Bianca's POV
(A/n: Ate ang dami kong hiniram.. basta malalaman mo din! ^_^V)
"Malapit na sya! konting konti na lang!"
"sinong dadating? mukhang excited ka ehh." sabi ni Jhen
"anong sino? tungeks. Yung anniv. namin ni Kenji malapit na. Ano kayang surprise ang gagawin nya?"
"wew! kala ko pa naman kung sino!"
Excited ako eh! 3 days na lang Anniv na namin. Hindi naman kami nagse-celebrte ng monthsary... wala naman kasing ganun ehh.. Nauso lang yun sa mga taong alam nilang hindi sila magtatagal. Anniversary? first time! ahahaha! Oo nga pala, Mag iisang taon na kami ni Kenji pero hindi ko pa nasasabi sa parents ko. Natatakot ako... siguro yun nalang gift ko kay Kenji sa Anniv namin... MEET MY PARENTS!
.
.
bbbzztt... bzztt... may nagtxt! ang pangit! hahaha!
from: babe K3
Babe hnd ako makksbay kumain and umuwi syo ahh... Pinpauwi na ako kagad ni Mama eh. Importante daw. Sorry babe :(
Ehh? okay lang! busy din naman kami parehas kasi mag rereview ako. Midterm na.
to: babe K3
okay lang. Magre review pa ako s library kaya gbi na din ako uuwi.
reply ko sa kanya.
bzzzt.. bzzzttt. ayan nagreply na sya.
from: babe K3
ingat ka ahh! may ksbay kaba pauwi? sunduin nalang kya kta? txt moko pag pauwi kna.
ahahaha! ang sweet ng mokong na to.
to:babe K3
okay nga lng sbi eh. na txt ko na si Joji sabay kami kasi mag gagawin din daw sya sa library. okay ka na?
wg kna mag reply. Ngka klase kmi ehh! mapapgalitan pa ako!
.
.
.
.
.
."sa tingin mo? ngayon na ba yung time para ipakilala ko si Kenji kay mama at papa?" Pauwi na kami ni Joji.
syempre kelangan ko rin ng opinyon galing sa lalaki. Baka magkamali ehh..
"Oo naman.. tagal na kayang gusto ni Kenji na ipakilala mo sya sa parents mo. Ayaw nya na daw na sinasabing kaibigan mo lang sya pag kaharap yung mama mo"
"eh kasi natatakot ako eh. ayaw pa nga ako magkaron ng boyfriend ni papa eh. Pagka graduate ko na daw."
Gusto ko rin naman sya ipakilala na eh... Alam nya naman yun ehh.
"Sige na. Dito na ako!" sabi ko kay Joji
Pagkapsok ko ng bahay... May inabot sakin si Mama.
Sulat? kanino galing?
"Kala ko pa naman advance na yung technology? May ka penpal ka pa pala"
sabi sakin ni mama tapos umalis na. Umakyat naman ako kagad ng kwarto then binuksan yung sulat.
(a/n: Peram po ate ganda.. ^_^V)
----------------------------------------------------------------
BABE NAALALA MO PA BA TOH? YUNG MGA TWEET NATIN SA ISAT-ISA. tagal na nito.
Bianca Antonio @bianca_0125
@kenjiya05 hindi kapa matutulog?
pagod ka ha.
Kenji Aron @kenjiya**
@bianca_**** ka tweet pa kta eh.
Bianca Antonio @bianca_****
@kenjiya** ang landi mo manong.
matulog kana !
Kenji Aron @kenjiya**
@bianca_**** anung malandi dun?
Bka kc sabihin mo snobber
Babe Mahal na mahal kita !! kahit may toyo, topakin kapa :*
I will never give up on you just don't give up on me too ok?
Kahit may toyo or makulit ako minsan haha bsta mag ingat ka ha?
Goodnight Sleepwell I Love You So Much...
--------------------------------------------------------------------
Abnoy talaga 'tong boyfriend ko.. Ahahahaha.
Imbis na matutulog na lang ako pag uwi ko sa school... kinikilig pa tuloy ako.
Alam nya bang ang hirap matulog ng kinikilig! ahahahahahaha
mas lalo tuloy ako na e-excite sa Anniv namin.
Oooops! kelangan ko na pala matulog. May midterm pa kami bukas ehh..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Bianca anong gagawin ko?" kakapasok ko palang ng school yan kagad bungad nya sakin. Mukhang problemado.
"bakit? ano bang nangyari?" tanong ko.
hindi sya nagsalita pero may inabot sya sakin. Dalawang guhit?.. POSITIVE!
"FCK! di nga!" napatingin tuloy sakin mga classmate ko.
hindi sya ulit sumagot. Nakayuko lang.
"GAGA ka talaga!" tapos binatukan ko sya kaya lalo syang napayuko.
"ARAY KO NAMAN! SA ATE KO YAN GAGA!!" tapos tumawa sya ng malakas.
"Ano yan Bianca?" nagulat ako sa prof namin kaya nilagay ko kagad sa bulsa ko.
"wala po sir." tapos naupo na ako. ewan ko ba ba't napapaligiran ako ng mga abnoy.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"huy! anong naisip mo bakit ka nagpadala ng sulat! pede naman sa text? or sa email?" kausap ko si Kenji... okay na sana kaso sa phone lang ehh.
Absent si abnoy... May sakit daw sya.
"kasi... matamis ang champorado! basta gusto ko ehh!" ba naman tong tao na to!
"sige na kasi pumayag ka nang bisitahin kita jan. Gusto lang kita makita ehh"
eh kasi hindi ko sya nakita kahapon diba? hindi ko pa rin ba sya makikita ngayon?
"Wag ka ng makulit. bukas papasok na ako. Okay na naman ako ehh."
"damot naman neto! bukas ako naman absent!"
"bakit?"
"may pupuntahan ako!" ang totoo.. bibili lang ako ng pang gift ko sa kanya.
"san ka pupunta?" ang kulit naman nito.
"magpalit na kaya kayo ni mama? sya nga hindi tinatanong kung san ako pupunta ehh"
"wew! sige na nga!"
"hindi ako makikipagkita sa ibang boy para makipag jak en poy! good girl kaya ako!"
"may sinabi ba ako? sige na! babay! Love you babe!"
"love you too babe! muah!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"bakit gabi ka na naman? meron ka ulit sulat! sino ba yan? taga saan?" daming tanong ni mama noh.
"ma nag review kami. kakauwi ko lang galing school easy lang sa pagtatanong." aakyat na sana ako.
"sandali! sabihin mo muna kung sino yan!" nakapamewang pa si mama
"bayan ma! si Kenji lang to. Abnormal kasi yun eh. okay na?"
"ahh... sabihin mo mag text na lang kayo! nakakatamad kumuha araw araw sa mailbox!"
"oh..KEY! ahahahha!"
"kumain ka muna bago-"
"kumain na ako. sige na ma. Tutulog na ako. Ay... hindi pala ako papasok bukas! may lakad ako ehh"
bago pa sumagot si mama umakyat na ako. Okay na nagsabi akong hindi ako papasok kesa tumakas ako.
Pagkasarado ko ng pinto, hinubad ko na yung uniform ko. TAPON sa laundry basket! ahahaha! gusto ko na kasi basahin kagad yung sulat ehh.
------------------------------------------------------------------------------------------
Hi Babe :">
Tagal na natin haha iloveyou soooo much salamat sa lahat, sa pag-iintindi sa pag mamahal sa pag-aalaga sa lahat.
salamat kasi nandyan ka pag may problema ako.
salamat nandyan ka pag loner ako mga ganun hahaha
salamat babe madami pa ako mapagpapasalamat kaso baka maging nobela to xD
btw, sorry po kung naging makulit.
sorry kung naging toyoin sorry sa lahaaat..
hmmm... ILoveYou kahit maasim kili-kili mo haha jokeeeee! mahal kita pinaikli ko lang haba na eh hahaha
Goodnight sleepwell
Ps: Stay with me babe and we will count the days, Months, Years, Decades together infinity and beyond BAHO xD
-----------------------------------------------------------------------------------------
bzzztt... bzzztt...
yung phone ko.. nagba-vibrate! nakakakiliti ahahahaha!
Calling: Babe K3
sinagot ko kagad.
"abnoy ka talaga eh noh" ganda ng bati ko sa kanya no. ahahaha.
"oo alam ko! ikaw din naman ehh. Tingin ka sa bintana mo bilis!"
takbo naman kagad ako sa bintana.
"BALIK ULIT SA LOOB!" sigaw nya sakin.
"bakit?" tanong ko.
"tignan mo nga kung anong suot mo!"
Naka bra lang ako. Gusto kong sampalin yung sarili ko! NAkalimutan ko hindi pa pala ako naka suot ng damit! kasi excited magbasa ng letter!
"okay na! titingin na ba ako?"
"umalis na ako. Baka makita ako ng papa mo ehh."
"hala! bakit ka umalis kagad?" dumungaw kagad ako para hanapin sya pero andun pa din sya.
Andun sila ni Joji pati ng isa pa ata nilang kaibigan... My hawak silang banner!
'I Love You Bianca' yung nakasulat.
"ayyiiehh! kala mo umalis kagad ako noh?" natawa ako sa sarili ko.
"oo na! I love you din!"
"goodbye na! papahinga pa ako ehh. may sakit nga ako diba?" sabi nya.
"goodnight na lang! ayoko ng goodbye ehh!" ahahah! ako na maarte!
"sige na! goodnight na babe!"
binaba nya na yung phone then umalis na sila.
Hay buhay... ang simple lang nung ginagawa nya pero gustong gusto ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
AHHH! hindi ko alam anong ibibigay ko kay Kenji. Kanina pa ako paikot ikot sa mall na toh wala akong mahanap na magandang ipangregalo.
Bilhan ko na lang kaya ng cake? baka kumain naman kami sa labas ehh. sayang lang.
couple shirt? baka ayaw nya ng ganun?
bracelet? necklace? hindi nman sya mahilig sa ganyan.. baka mapigtas lang ang likot pa naman nun eh di sayang lang.
HAY BUHAY! hirap naman regaluhan nun! bukas na yung anniv namin ehh!
sapatos? ayoko baka takbuhan ako nun ehh! bad bad bad! ahahaha!
wait? diba nga papakilala ko sya kay mama at papa? pwede na yun? kaso gusto ko talaga syang bigyan ng regalo and gusto ko alagaan nya yung ireregalo ko.
AAHHHH!! alam ko na.. pero hindi ako sure kung magugustuhan nya? BASTA! BAHALA NA!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"BIANCCCAAAAAAAAAAA!!!!" rinig na rinig ung boses ni MAMA simula sa pinto papunta dito sa kwarto ko. Nagkita na sila.
Agad akong bumaba baka kasi biglang katayin ni mama si Carding ehh!
"KANINONG ASO YAN! BAKIT NANDITO? SAN GALING YAN? WALA AKONG PAKE KUNG KANINO YAN BASTA AYOKO NG MY ASO!" nakakarindi sa mama
"pwedeng huminga ma tsaka walang sigawan... wala naman akong ginagawa ehh." Babatukan sana ako ni mama kaso umilag ako.
"hindi ako sumisigaw high pitched lang talaga! Kanino bang aso yan?"
"ipang reregalo ko lang to.. hanggang bukas lang naman to ehh.. please..."
"pag nandito pa yan hanggang bukas papakatay ko yan!"
inakyat ko na sa kwarto ko si Carding. isang SHIH TZU. eto yung naisip kong iregalo kay Kenji. Atleast alam kong aalagaan nya pero ang hindi ko sure kung gusto nya! ahahahaha!
Ano na nga bang plano ko bukas?
Wala namang pasok?
Pano ko ipapakilala si Kenji?
Puntahan ko na lang kaya sya sa kanila tapos sabihin kong mag ayos sya cause this is the DAY!
eii..!! walang dating ehh..
Tawagan ko? sabihin ko sunduin nya ako kasi kakain kami sa labas tapos surprise! LAGOT NA SYA KAY PAPA at MAMA pero andun naman ako ehhh.
Basta kelangan mapa-punta ko sya dito!
Walang pasok si papa bukas kaya kumpleto kami... Nasa timing talaga! ahahaha!
Hindi siguro magagalit si mama kapag nalaman nya ehh si papa lang talaga.
Ngayon ko na sabihin kay mama para malaman ko kung okay. Pag nagalit sya eh di sabihin ko joke lang yun.
Pagkabukas ko ng pinto nasa tapat na kagad si Mama.
Pumasok sya and ang seryoso ng mukha nya.
nag aalangan pa yung boses ko.
"uhmm... Ma.. may sasabihin ako sayo.."
"Ma... boyfriend ko po si Kenji."
PAK! sinampal ako ni mama pero hindi naman ganon ka lakas. Ayaw nya?
"Huminto kana sa pag aaral!" sabi nya.
"bakit MA? May masama ba sa ginawa ko? Mahal ko sya ma!"
"ngayon mo lang sasabihin kung kelan buntis kana?" may pinakita sakin si mama. Takte! hindi naman akin yan eh.
"ma! hindi-" hindi nya ako pinatapos.
"hindi sayo Bianca? hindi kita pinalaki para magsinungaling sakin!"
"pero ma! hindi naman talaga sakin yan ehh! sa ate ng classmate ko yan eh!"
"ayoko ng makarinig ng kasinungalingan! Bahala na ang Papa mo sayo! simula ngayong gabi hindi ka pwedeng umalis ng kwarto mo!" sabay sarado ng pinto.
Hindi ko alam anong gagawin. Baka pagbawalan nila si Kenji na makipagkita sakin.
Nakahiga lang ako sa kama. Iniisip ko pano namin nase-celebrate ni Kenji yung anniv namin kung grounded ako. Ayoko na makipagtalo kay Mama. Alam kong lalo lang magagalit yun eh.
"AW AW AW!" si Carding tumatahol. Kinarga ko sya then tinabi ko sya sakin sa kama.
"oi! kapag binigay kita sa daddy mo wag mong kakalimutan kung sino mommy mo ahh... ayaw ni mama na may aso sa bahay ehh sorry.. and ayaw din ni mama na may boyfriend ako. Nakakatawa diba? tawa ka!" ang abnoy ko kasi na-iyak ako.
Ayoko man isipin but pumapasok sa isip ko. Itutuloy pa ba namin ni Kenji?
"kapag may dinalang ibang mommy yung daddy mo... You have to bite them okay?"
bzzt.. bzzt..
kinuha ko yung phone ko sa side table.
Kenji calling...
"12 o'clock na! Happy 1st Anniversary BABE!!!" bati nya sakin.
tumayo ako at nagpunta sa terrace baka kasi marining ni mama na may kausap ako.
"happy anniversary din sayo babe."
"bakit parang ang lungkot ng boses mo? umiyak kaba?" pinunasan ko yung luha ko pero hindi rin naman pala nya makikita kaya hinayaan ko na lang.
"hindi ahh. inaantok lang kasi ako. ehehehe."
"ahh ganun ba? hoy wag mong kalimutan bukas ahh. Susunduin kita jan."
"huh? wla ka naman sinabi sakin ahh?"
"ay? hindi ko ba nasabi? eh ngayon ko na nasabi! ahahahha!"
"munggo ka talaga ehh. sige na. inaantok na talaga ako ehh."
"sige sige. Love you babe! punasan mo na yung luha mo. Ayokong nakikita kang umiiyak ehh."
may nakita akong tao na lumabas sa likod ng puno. Andun pala si mokong.
"lalo mo akong pinapaiyak ehh.!" nag dire diretso na yung luha ko.
"sinabi nang wag kanang umiyak ehh. ang pangit mo! ahahha! ayiiehhh! tatawa na yan"
"hahaha! ayan tumawa na ako. Sige na! ba bye na!" sabi ko. Baka makita pa sya dun ni Mama or ni Papa ehh.
"sige na nga! ba bye na! love you!" binaba na nya.
Bahala bukas kung ano mangyayari. Parang may magagawa ako sa desisyon ni mama at papa.
-------------------------------------------------------------------------------------------
Anniversary namin ngayon pero parang nawala yung pagka excite ko hindi tulad nung mga nakaraang araw.
Pwede ko naman itago kay Mama at papa na boyfriend ko si Kenji.
I'll just say na nagbreak na kami ni Kenji pag nagtanong sila Mama.
Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa dining area para mag lunch.
Kumpleto kami. Si Papa, si Mama and Ako. Mukhang masaya silang nag-uusap kanina bago ako umupo.
May nakahain ng pagkain kaya kumain na ako. Tahimik akong kumain.
Patayo na ako ng upuan ng tawagin ako ni mama.
"Bianca.. sorry anak." huh? bakit sya nagsorry?
"para san ma?"
"wala. sige na umakyat kana" yun lang sabi nya.
Ini-expect ko na yung sorry nya dahil sa pag-ayaw nya sa relationship namin ni Kenji pero wala lang daw.
Isa pang in-expect ko... mag re react si Papa pero mukhang kalma lang sya. Hindi pa ba nasasabi ni Mama?
Umakyat na ako sa kwarto ko. Pinakain ko si Carding.
Feeling ko si Carding lang pwede kong pagsabihan ko ng lahat ng nararamdaman ko ngayon.
Ayokong sabihin kay Kenji kasi alam kong malulungkot sya.
Ayoko din sabihin kay Jhen baka kasi isipin nya na kasalanan nya dahil sa pagdala nya ng pregnancy test.
Ayoko din sabihin kay Joji kasi baka isipin nya din na dapat hindi nya nalang pinayo na ipakilala ko na si Kenji.
Ayokong isisi sa iba. Kung KAMI talaga ni Kenji para sa isat-isa eh di kami.
Binuksan ko laptop ko. Manunuod na lang muna ako. Wala akong magagawa eh.
Maghintay magbukas para makita ko si Kenji sa school at ipaliwanag lahat sa kanya.
-
-
-----------------------------------------------------------
nakaka 3 na akong movie last na talaga to. Big hero 6
Andun na sa part na kailangan na i-let go ni Hiro si Baymax para mka alis sila dun sa loob ng something kyeme na yun.
Naisip ko na naman sya. I have to be strong enough to let go him and be patient enough para malaman kung para sa isat-isa nga kami.
Tinignan ko yung oras... mag 7 na pala. Ang tagal kong nanunuod.
Sumilip ako sa bintana and nakita ko sya papunta sa harap ng pinto namin. Kailangan ko syang puntahan.
Gusto ko sakin nya malalaman.
Agad akong bumama at dumiretso papuntang pinto pero andun na si Papa magkaharap na sila ni Kenji.
"Hindi pwede ang anak ko Kenji! Marami pa kami pangarap para sa kanya!" sabay sarado ng pinto.
Gusto ko magmakaawa kay Papa na payagan ako kahit ngayon lang. Kakausapin ko lang si Kenji.
"Pa-" hindi pa ako nakapagsasalita pinutol kagad ni papa.
"Hindi Bianca. Hindi ang sagot ko. Umakyat ka sa kwarto mo."
Wala akong nagawa. Umakyat na lang ako. Umiyak sa loob ng kwarto ko. Nagtalukbong ako ng kumot habang yakap ko si Carding.
"Bakit ganon? Hindi naman masama yung ginawa ko ahh?"
"hindi ko naman pinapabayaan pag aaral ko ehh.."
"PERO BAKI-"
"Thinking Out Loud"
When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?
And, darling, I will be loving you 'til we're 70
And, baby, my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Well, me—I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am
..Biglang tumugtog ng sobrang lakas yung kantang yan. Bakit ngayon pa?
So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are
Tumayo ako sa higaan para tignan bakit ang lakas ng tugtog.
Hindi ko alam ang dapat kong i react.
Nasa labas is Kenji... May hawak na board na may nakasulat na 'HAPPY 1st ANNIVERSARY TO US BIANCA'
Binuksan ko yung pinto para pigilan sya baka lalong magalit si papa pero nagulat ako kasi may Bulaklak sa harap ng pinto.
Sa bawat baitang din ng hagdan may bulaklak. Ano bang nangyayare?
When my hair's all but gone and my memory fades
And the crowds don't remember my name
When my hands don't play the strings the same way
I know you will still love me the same
Tumutugtog parin yun sa labas. Ang dami ko ng bulaklak na hawak.
Hinanap ko muna sila Mama at papa pero wala sila Kaya lumabas na kagad ako.
Tumakbo ako papalapit kay Kenji pero pinatigil nya ako nung medyo malapit na ako.
'Cause honey your soul could never grow old, it's evergreen
And, baby, your smile's forever in my mind and memory
I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe it's all part of a plan
Well, I'll just keep on making the same mistakes
Hoping that you'll understand
Sumasayaw sya. Ang gwapo nya talaga. Sobrang pinapakilig nya ako.
Tumigil sya then lumapit sakin. Gusto nya kaming sumayaw.
"Happy Anniversary satin Babe and Advance Happy birthday na din sayo"
Magkayakap kami habang sumasayaw. Wala akong masabi.
"Magsalita ka naman. Ayos ba surprise ko?" Nakangiti sya sakin.
Hindi ko alam kung maiinis ako o ewan?
pero isa lang ang alam ko. Panghabang buhay na memory na to.
But, baby, now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
Thinking out loud
That maybe we found love right where we are
Tumigil na kami sa pagsayaw.
"hindi mo ba ako ipapakilala kina tito at tita?" Hinatak ko sya papasok then sa loob ng bahay...
may naka set up na table. Panaginip ba to? pakigsing nga po ako.
"Bianca anak. Sorry kung nasaktan pa kita dahil lang sa plano netong si Kenji pero gusto ko lang maging unforgettable sayo ang araw na to" sabi ni Mama.
"Pero ma! totoo! hindi akin yung pregancy test na yun. Kay Jhe-" biglang lumabas si Jhen sa isang room sa bahay.
"Present! Pinalagay talaga yun ni Kenji. Kala ko nga mahirp pero pinadali mo kasi ikaw na naglagay sa bulsa mo ahahaha!"
Hindi ako makapaniwala. Nagawa nila sakin yun.
"Alam mo din yun ma? Pa?" um-OO lang sila.
Umalis na sila and naiwan na kami ni Kenji.
May inabot sya saking sulat.
"another sulat na naman?" tanong ko
"basahin mo na lang."
binuksan ko...
"NOBELA KENJI? pero thank you."
-----------------------------------------------------
Babeeeeeeeee, Bianca, Mahal ko, baho, oyy, lahat na lahat lahat na ng bati ko haha bsta dami eh..
i just want to say na Happy Anniversary :)) happy 1 year Allana Bianca Lacza Antonio.
ILOVEYOUSOMUCH kiss emoticon Mahal na Mahal po kita
sorry sa mga araw na nag aaway tayo sorry din po sa lahat babe
sorry po tlaga sobra hmm salamat sa pang unawa kung makulit at moody nadin, salamat babe
salamat hindi mo ako iniwan sa mga ups and down kong buhay
salamat nandyan ka lang sa halos isang taon nating magkasama kahit may away tampuhan bsta nandyan ka padin
sobrang thankful ko kasi nandyan ka may Bianca Antonio na nasa tabi ko pag malungkot at masaya ako.
salamat sa isang taong tawanan, iyakan, tampuhan, pagmamahalan (keme hahahaha)
salamat po talaga ng sobra sobra
salamat din kasi hindi moko iniwan kahit ang dami ko nang sakit ng ulo sayo,
kahit alam kong inis na inis kana sakin hindi mo padin ako iniwan
kahit may toyo ako nandyan ka padin, salamat po salamat.
madami ako ipag papasalamat babe baka maging sobrang haba pa neto haha..
i know mdami ako kasalanan pero ayan eto tayo nag 1yr na smile emoticon at matatag, tibagin man ikaw lang sapat na xD
babe salamat po pala kasi ikaw yung babaeng positive kahit ang nega ko na sobra ikaw lang ang nag papapositive sa vibes ko.
makita, makasama lang kita positive na agad vibes ko in short binuo mo na agad araw ko makita kong lang ang maganda mong ngiti at makapal mong nguso hahahahaha joke babe :)) bsta ikaw na talaga. ikaw ang pag ibig na hinintay sa akin ng maykapal ligaya ka sa puso ko.
yung feeling na sobrang bilis ng tibok ng puso ko kasi nakita at nakausap at nakasama kita
kahit araw araw tayo nag kikita hindi ko kasi mapigilan eh. hindi ko mapigilan na mangiti habng kasama ka.
Nagiging mabilis tibok ng puso ko pag kasama ka lahat na
I dont want to stop loving ko babe. ayoko na tumigil. at ayoko nadin mag hanap pa ng iba na hihigit sayo, dahil alam ko wala ng mas hihigit pa sayo
Alam ko din na wala na mas gaganda at babaet at tatalino sa Girlfriend ko
Ikaw lang sapat na babeeeee. at ILOVEYOU PO
iloveyousososomuch mahal na mahal na mahal kita ng sobra babe mahal na mahal, please wag ka sumuko ha ?
akin kalang at ayoko din na may mangyari sayong masama, mag iingat ka palagi
babe dadagdag ko lang... LETS MAKE THIS YEAR FULL OF MEMORIES yung puro saya wala na lungkot at sakit ayaw ko na nakikita kang malungkot at tahimik hindi ako sanay babe. hindi.
bsta ayun Happy Anniversary babe Happy 1 year for us
ILoveYouSoMuch Allana Bianca Lacza Antonio Iloveyou.
Mahal na mahal kita wag ka mag bago ha ? gusto ko ganyan kalang kalog at walang pake sa ibang tao kahit mukha na tayong tanga kakatawa hahaha iloveyou ;*
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
So, baby, now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Oh, darling, place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are
Oh, baby, we found love right where we are
And we found love right where we are
--END NA PO!--
Happy birthday po kay ate Bianca 'Ganda' Antonio!
Thank you po!!