BUDDIES

By your7angel

150 38 10

Alam natin na masaya ang magkaroon ng maraming kaibigan. Sila yung mga taong nakakasundo mo sa mga bagay na g... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4

Prologue

50 13 3
By your7angel


Kaibigan?




Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang essay na ipinapagawa sa amin ng teacher ko. Kanina pa ako nakatulala habang suot ang earphone at nakikinig sa kantang 'today my life begins'. Kanina ko pa mahinang pinupukpok ng ballpen ang table ko. Bakit Naman kase ito pa ang topic ng essay namin? Ang dami namang pwede.





Dapat hindi na ako nahihirapan na mag-isip ng idea dahil simple lang naman ang binigay na topic. Nakakailang scratch narin ako. Paano ko ba ito sisimulan?




May nagtapon ng isang nilamukos na papel sa table ko. Nilibot ko ang paningin ko at sinubukang alamin kung kanino nanggaling ang papel. Hindi na nakakagulat na malaman kung sino ang nagbato. Sa unang upuan ay nakita kong nakangiti sakin si Cuartero. Tinuturo niya yung papel na tinapon niya sakin. Kinuha ko yung papel, tumingin ulit ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Ano na naman ba ang pakulo ng isang to. He just mouthed me to open it. So I did.





Binuklat ko yung papel. Curious kung anong meron sa loob. Hinanap ko kung anong meron, Nakasulat sa isang maliliit na letra ang gustong sabihin ni Cuartero. Napangiti ako at lumingon ulit sa kaniya, Hindi na siya nakatingin sa akin at nakita kong kinukulit niya si Ero na mukang naiinis na yata.




Masaya ko na naging kaibigan ko silang dalawa. Kahit na nag-iisang babae lang ako sa grupo hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila. Maalaga at protective sila sakin.



Akala ko hindi ko na magagawang magtiwala pa ulit pagkatapos ng nangyari sa nakaraan ko. Pumikit ako at inalala ang mga muka nila. Kamusta na kaya sila? Ayoko mang aminin pero namimiss ko na ang mga babaeng yon. Kahit na hindi naging maganda ang nakaraan ko sa kanila ay hindi ko parin malilimutan ang mga masasayang alaala kasama sila.



Binasa ko ulit ang nakasulat sa papel na galing kay Cuartero. Napangiti ulit ako. Nakasulat ang...



'inspired akong gawin tong essay dahil sa inyong dalawa ni Ero.'




Tinanggal ko ang takip ng ballpen ko at nagsimula nang magsulat. Sa simpleng sulat na iyon, nagkaroon ako ng inspirasyon.



Continue Reading

You'll Also Like

605K 6.9K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024
29.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
17.1M 732K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
475K 19.8K 25
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...