Aaron:
Thank you sa pagdamay sa akin kanina, Jackstone. I appreciated it. :)
Napangiti ako. Kauuwi ko lang sa bahay. Mabuti nalang din talaga na nakita ko siya kanina. Natakot ako sa kanya at sa puwede niyang gawin sa sarili niya.
Dahil malapit na ulit ang final exam ay naging abala ulit ako sa pag-aaral. I needed to cheer up myself at times when I felt like giving up. Wala na kasing gagawa sa akin nu'n kaya self service nalang. Kapag pagod na pagod ako pagkauwi, wala ng sasalubong sa akin ng yakap at biro. Wala ng maghahanda sa'kin ng pagkain dahil gutom ako. How I wished I could go back in time. Sa ganitong sitwasyon ko mas lalong namiss si Papa. Mas lalo kong napagtantong my life has never been the same since he was gone.
Ang hirap pa rin bumangon. Ang hirap imulat ang mata sa katotohanang wala na akong Papa. Ang hirap lang talaga. Sobra akong nanibago sa set up ng buhay ko ngayon.
"Ang rupok mo naman, girl. Baka naman gawin kang punching niyan ha?" Komento ni Ara nang naikuwento ko sa kanya ang nangyari noong isang gabing nakita ko si Aaron. "Pero kawawa naman din talaga si Aaron. Binigay na niya ang lahat pero 'di pa rin siya sapat."
"Paano kung ikaw ang nasa kalagayan niya? Anong gagawin mo?" Tanong ko.
"Ano..." she trailed off. Napaisip siguro. "Kung ako 'yon, iniwan ko na rin."
"Bakit?"
"Loka ka ba? Kung ako ba naman ilang beses lolokohin, sinong matinong tao na tatanggapin pa rin 'yong taong nanloko sa'yo? Grabe naman katanga 'yan."
"Eh mahal mo eh," giit ko.
"Kahit naman, ano! Saka 'di ko ipipilit ang sarili ko sa kanya. Kung talagang mahal niya ako, bakit niya ako iiwan dahil lang sawa siya?"
Napakamot ako sa ulo ko.
"Pero 'di ko rin gets 'yong logic," bawi niya. "Sabi nila kapag mahal mo, huwag mong iwan. Kapag mahal mo, handa kang mag-sacrifice. But will it be worthy to sacrifice for someone if he doesn't even recognize your efforts?"
"Sabi kasi nila kapag mahirap na 'yong sitwasyon, doon talaga masusubok ang pagmamahal mo."
"Oo, nandoon na rin 'yon. Pero kasi misleading din siya. Minsan kasi ang tanging paraan to save both of you is to let go. Mahal mo pero hindi naman puwedeng lagi nalang mag-sacrifice. You have to balance the situation. Kung hindi na tama, bitaw na. Eh paano pa kaya kung ikaw nalang ang lumalaban at kumakapit 'di ba? Ikaw din 'yong kawawa sa huli. Ikaw lang din ang masasaktan samantalang 'yong isa malaya na mula sa'yo."
"So what should we do? 'Di ko talaga alam 'yang bagay na 'yan. 'Di ko pa rin gets."
"Alam mo? May mga taong against sa pang-iiwan kasi ang mindset nila is huwag mong iwan kahit mahirap na ang sitwasyon. Like I said, misleading siya. Kaya maraming kumakapit pa rin sa maling relasyon kasi naniniwala silang malalaman mong mahal mo ang isang tao kung willing ka masaktan para sa kanila. Kung lamang na ang sakit, bakit ka pa rin kakapit? 'Di ba kapag nakahawak ka ng mainit na kaldero, bumibitaw ka kasi masakit? Alangan namang kakapit ka pa rin sa kalderong mainit tapos sasabihin mong 'mahal ko eh'. Ano 'yon? Tanga lang?"
Natawa ako sa sinabi niya. Ang pait ng bawat salitang lumalabas sa kanya. 'Di ko alam kung naiinis ba siya kay Aaron o sadyang may laman lang talaga ang salita niya.
"At 'yang si Aaron? Tanga 'yan for sure. Maraming beses na pala siyang niloko pero tinatanggap pa rin niya ang babae? Wow! Puwede na siyang maging St. Aaron."
"Hoy loko!" Tumawa ako sa sinabi niya.
"Seryoso, Natasha. Sa totoo lang 'di na rin tama 'yang ginagawa niya. I adore men who fight for their love but not Aaron. Mali na rin siya."
"Eh si Dexter ba kumusta?" Pag-iiba ko ng topic.
"Si Dexter? Alam niya kung tama o mali pa ba ang isang bagay. Kung ako man nagloko sa kanya kahit isang beses, baka 'di na niya ako tatanggapin ulit."
"Bakit?" Takha kong tanong.
"Anong bakit? Kapag nagawa kang lokohin ng isang tao tapos okay lang 'yon sa'yo, may tendency na uulitin lang nila 'yong ginawa nila kasi nga okay lang sa'yo. Para sa kanila maliit na bagay lang 'yon para sa'yo. Doon sila magiging confident na 'ay patatawarin ako nito kaya okay lang kung masaktan ko siya' ganu'n 'yon, Natasha."
"Eh ikaw ba? What if masaktan ka ni Dexter?"
"Depende pa rin naman 'yan sa level ng pain. May tolerable, mayroong hindi. Kung magloko si Dexter, bahala siya. Choice naman niya 'yon. Never ko naman siyang binigyan ng reason para lokohin ako. Shame on him. And I never cheated on him. Hinding hindi ko gagawin 'yon."
I distracted myself from our conversation. Marami akong nalaman mula kay Ara. Pero parang mas nanaig ang takot sa'kin na baka kapag pumasok ako sa relasyon at masaktan lang, baka mawalan ako ng gana at tiwala sa isang tao.
Final exam happened again. When Ara and I pulled ourselves through that, namasyal kami sa isang SM dito lang sa Manila. We pampered ourselves. Gabi na kami nakauwi. Nagpaalam naman ako kina Nanay at Tatay. Pagkauwi ko, may dala akong pasalubong para sa kanila. Dahil paborito nila ang puto, bumili ako ng dalawang balot.
"Tulog na po ako, Nay, Tay. Good night," paalam ko. I kissed their cheeks before I went to my room.
Nagbihis muna ako ng pantulog at saka ko binuksan ang cellphone ko. Nagulat ako nang makita ang message ni Aaron. Binasa ko kaagad iyon.
Aaron:
10:42 am
Nakikipagbalikan siya sakin, Jackstone.
11:24 am
Busy ka ba?
12:45 pm
Text mo 'ko kung nakauwi ka na ha? Ingat ka.
I blinked once. Huminga ako nang malalim at tinawagan si Aaron. Nakailang ring din bago niya sinagot ang tawag ko.
"Oy, Jackstone!" Masayang boses ni Aaron ang bumungad sa kabilang linya.
"Sorry 'di ako nakapagreply. Kauuwi ko lang."
"Weh? Anong oras na ah? Saan ka galing?"
"Gumala kasama si Ara. Katatapos lang ng midterm namin kaya nagpakasaya kami pagkatapos."
"Enjoy naman ba?"
"Yup! Masaya siya. Ikaw ba? Anong nangyari kanina?"
"Nakipagbalikan si Sheba."
"Tapos? Kayo na ulit?"
"'Di na muna. Nakakapagod. Pahinga muna."
"Natauhan ka na ba?" I joked.
"Medyo. Gusto ko munang magpahinga para sa amin. Siguro ako 'yong may mali at nagkukulang sa amin. Aayusin ko muna sarili ko para sa muling pagbalik niya, maayos na ang lahat."
"Sige, kung 'yan ang plano mo. Ayusin mo ang sarili mo para maging better. 'Di naman masama at mali ang magpahinga. Malay mo sa pagiging apart niyo ay mas lalo niyong marealize kung ano ba talaga ang gusto niyo para sa sarili niyo."
"Kaya nga eh. Salamat, Jackstone. Buti nalang nandyan ka para pagsabihan ako. Parang mas matanda ka pa tuloy kesa sa'kin."
"Hindi naman," tumawa ako nang mahina. "Basta kung anong tingin mong makabubuti sa'yo at sa inyong dalawa, go lang."
"Yah. Tama ka, Jackstone. Sige na. Pahinga ka na. Next time ulit. Alam kong pagod ka ngayon. May pasok ka ba bukas?"
"Wala naman."
"Ay good naman. Kitakits nalang bukas."
"Saan?"
"Hmm same place? Gala tayo sa gabi?"
"'Di ako sure pero susubukan ko."
"Sige. Dito lang din naman sa subdivision. Hindi naman tayo lalabas."
"Okay. Sama na rin natin sila Betty at Kiko."
"Sige ba."
"Sige sige."
"Good night, Jackstone."
My heart skipped a beat. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi.
"Sige good night din. Bye."
Pinutol ko na ang kabilang linya. Nakahinga ako nang maluwag. Uminit bigla ang pisngi ko. 'Di naman siguro ako kinikilig?