Cheating
Ilang minuto pa ang hinintay ko para bumalik lang si Javier sa pwesto naming dalawa, pero ang loko ay seryoso paring nakikipag-usap kay Khyla. Kahit nasa malayo ito ay kitang kita ko at ramdam ko na may pinagtatalunan sila ng katawagan niya ngayon sa kaniyang cellphone at para bang problemadong-problemado siya sa sinasabi ng Khyla'ng iyon.
Kaya naman hindi na 'ko nag abala pang hintayin pa ulit si Javier at nagkusa na lang akong pumasok sa rest house.
"Nasaan si Javier?" tanong ni Isabelle sa akin habang tinutulungan na ngayon si Nanang mag prepare ng pagkain sa lamesa.
"Nasa labas pa at may kausap," walang gana ko namang sagot sa kaniya. At hindi naman ulit siya nagtanong pa sa akin.
Ako naman ay tinulungan na lang ang dalawa sa pag-aayos ng hapag kainan. Pero ng kakain na kami ay wala pa ring Javier na dumadating.
"Hija, puwede bang pakitawagan muna si Javier, para makapagsimula na tayong kumain," pakiki-usap naman sa akin ni Nanang.
Tumango naman ako sa kaniya at nginitan. Kahit na labag sa kalooban ko ay tumayo na ako at bumaba sa rest house para tawagin si Javier. At hanggang ngayon ay kausap niya parin ang babaeng 'yon. Malapit na ako sa kaniya, pero hindi niya parin naman ramdam ang presensiya ko, siguro ay isang metro lang ang distansiya ko ngayon sa kaniya. At hindi ko naman sinasad'ya na marinig ang sinabi ni Javier.
"Break na tayo, Nichole! How many times do I have to tell you, that, huh!" He said in a furious tone.
Rinig ko naman ang pag iyak sa kabilang linya ni Khyla Nichole at ang paulit-ulit lang nitong binibigkas ay 'hindi'.
"I'm moving on, Nichole! You need to do that too. Hindi ako nagalit sa ginawa mo noon! You're the first one who broke up with me... And I'm asking you that before, why? But you never answered me! At malalaman ko na lang na may bago ka. Pinagpalit mo ako sa gagong Attorney na 'yon!" mas galit pang lintaya ngayon ni Javier sa kabilang linya.
Ngayon ko lang makita na ganito magalit si Javier at ano ba ang nangyari noon? Si Khyla Nichole ba ang unang nakipaghiwalay sa kaniya? Pero bakit niya pinagpalit si Javier?
'Angela, pinagpalit yata sa malapit!' palahaw naman ng utak ko ngayon, kaya naman umiling-iling ako sa kalokohan na naiisip ko ngayon
"I know, I'm the one who made this things into a messed, but Marlbert until now. I still love you...-"
Iyon ang narinig ko sa kabilang linya, na hindi ko naman mapigilan na magulat. She's really desperate to be with Javier, huh? Si Javier naman ay hindi na makapagsalita at hinawakan na lamang ang sintido at hinilot-hilot habang nasa tenga niya pa rin ang kaniyang cellphone.
"I thought, you're okay with him? Why are you still contacting me. And please Nichole don't do anything about yourself. Wala na tayo! I don't have any responsibilities about you."
"But, Marlbert...-"
Hindi na iyon pinatapos pa ni Javier dahil pinatay na nito ang tawag. At kitang-kita ko naman ngayon kay Javier na ginulo niya pa ang buhok niya dahil sa inis at galit. Kung may gamit lang dito na mabilis maihagis, siguro ay kanina niya pa iyon inihagis para roon niya pagdiskitahan ang galit na namumuo sa puso niya ngayon. Kahit nasa likod ako nito ay kitang-kita ko rin ang pagtaas baba ng balikat nito at parang bang hinihingal, dahil sa nangyaring pag-uusap.
Ako naman ay kumuha ng tympo para tawagin siya, pero bago no'n ay kumuha rin muna ako ng hangin.
"Mister! Are you done. Dinner is ready!" masigla ko namang pahayag sa kaniya. Para bang wala akong narinig sa naging usapan nila ng ex girlfriend niya.
Humarap naman siya sa akin at hindi ko naman nakita sa mata nito o itsura ang galit nito ngayon. Sa katunayan pa nga niyan ay nakangiti na ngayon ang loko sa akin.
"Kanina ka pa?" He asked me.
"No, I'm not. Kakababa ko lang. Tumaas ako kanina para tulungan sina Nanang. Tapos pinapatawag ka!" palahaw na ngiti ko naman sa kaniya bago matapos ang idinahilan.
Tumango naman ito sa akin at inilagay na ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts niya. Narinig ko namang tumunog ulit ang cellphone niya, pero hindi na ulit siyang nag-abala pang sagutin iyon at mas nauna pa nga itong maglakad sa akin para maka-taas at pumasok na sa rest house.
Naging maayos naman ang dinner at pagkatapos naman namin ay tinulungan ko ulit si Nanang sa paghuhugas, si Isabelle naman ay pina-una ko na sa kwarto naming dalawa. Ayoko na magtagal pa silang magkasama ni Rafael, dahil bukas ay kasal na nila. Sympre naniniwala ako sa mga pamahiin kaya gano'n ang gagawin ko.
Hindi na rin kami nagkita pa ni Javier, dahil may pinag-usapan pa sila ni Rafael at pumasok 'din ito siguro sa kwarto kung saan siya matutulog ngayong gabi.
Pero hanggang sa pagtulog namin ni Isabelle ay hindi maalis-alis sa isipan ko, kung bakit ganoon na lang ang naging usapan ni Javier at ng ex girlfriend niya. Marami pa talaga akong hindi alam kay Javier. Umuwi lang ba ang ex girlfriend nito para sa kaniya? T'ska nasaan na yung lalaki na pinagpalit kay Javier?
"Isabelle, I'm so happy that you're happy now. Congratulations!" masigla kong pahayag sa best friend ko. Kakatapos lang ng naging kasal nila ni Rafael.
Wala namang naging hadlang sa naging kasalan. At katunayan nga niyan ay ako lang ang umiyak nang umiyak dahil sa saya na nararamdaman para sa best friend ko at sa asawa nitong si Rafael.
"Thank you, Ange! Thank you for being always there for me. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko sa iyo, dahil hindi sapat ang isang pasasalamat lang," naiiyak na nitong pahayag sa akin at hinagkan ako.
"Gosh, 'wag kang umiyak, baka akalain pa ng husband mo pinapaiyak kita."
Tumawa naman ito ng may pagka mahinhin. "Loka, hindi naman 'yon!" may pa hampas na ito ngayon sa balikat ko.
"Wish ko, sana maging masaya ka Isabelle! You met your the one. Pa'no naman ako, ni boyfriend ay wala. T'ska napakatagal dumating ng prince charming ko. Ang someone better na mamahalin ako nang lubos-lubusan!" naka-simangot ko na ngayon pahayag sa kaniya, kahit na hindi niya naman iyon nakikita dahil magkayakap pa rin naman kami.
"Naandito na ang someone better mo, ah!" pagbibiro naman nito sa akin. Kumalas naman ako sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay.
"Don't tell me, ang tinutukoy mo ay si Javier! A freaking no way. Jerk 'yon! Ayoko!" umiiling-iling ko nang lintaya kay Isabelle at para bang nasusuka pa.
"Ayan ka na naman sa pag dra-drama mo. Javier's kind, gentleman, gwapo... Hmm... Ano pa ba? Basta puwedeng-puwede kayong dalawa," natatawa naman nitong pahayag sa akin.
"Isabelle, hinaan mo nga boses mo! Baka marinig pa tayo ng kulokoy na mokong na iyon, eh!" sabi ko naman habang tinitingnan na si Javier na katabi ngayon si Rafael at umiinom na ng beer.
"Eh, anlayo-layo natin sa kanila!"
"Eh, sympre na! T'ska malayo na maging kami...," mahina ko namang wika ngayon kay Isabelle.
Magsasalita pa sana si Isabelle kaya lang ay lumapit naman sa amin ang asawa niyang si Rafael. Kaya ako naman ay tumayo para malapitan si Javier. Bigyan ko muna sila ng kaunting privacy. At si Javier naman ay walang hinto sa pag tungga sa can beer nito ngayon.
Hay nako, Isabelle. Hindi mo lang alam. Nagka-gusto na ako sa kapatid mo. Pero hindi ko lang alam ngayon kung ganoon pa ba ang nararamdaman ko dahil sa mga nalaman ko. Sa pang gagamit niya sa akin, para lang mapalapit ka sa kaniya. Pero napaka lame naman ng excuses niya 'di ba? Tapos nagkakalabuan pa sila ng ex girlfriend niya, t'ska napasama pa ako sa pinag-aawayan nila. Kaya malaking hadlang na maging kami. Akala ko noon, siya na ang someone better ko, pero nagkamali ako. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito mahanap-hanap. Hindi si Javier ang matagal ko nang pinapangarap. Siguro ang maituturing ko na lang muna kay Javier ay maging kaibigan siya. At pagdating ko sa Manila ay kakausapin ko si JM. Kung siya ba ang nagbigay ng kwintas kong ito sa akin.
Hinawakan ko naman ang Angel Wings kong kwintas at hindi na mamalayang napalakas ang pagbuntong-hininga ko, na ikinatawa ni Javier.
"Is there something wrong? Parang mas mabigat pa yata ang iniisip mo ngayon, kaysa sa akin, ah!" lintaya niya naman at uminom din kaagad sa can beer.
Kumuha naman ako ng isang open can beer at binuksan iyon, kaya lang ay napa-aray naman ako dahil nahiwa pa yata ang hintuturo ko dahil sa pagbubukas nito.
Narinig naman iyon ni Javier at kaagaran nitong inalis sa akin ang beer na hawak-hawak ko.
"What happened?" He asked me worriedly.
Magsasalita pa sana ako kaya lang ay nasa harapan ko na rin si Isabelle at Rafael.
"Dapat pina-bukas mo na lang 'yan kay Javier. Ayan tuloy nahiwa na naman 'yang hintuturo mo," nag-aalala namang lintaya ni Isabelle sa akin at kinuha ang baso na may lamang tubig at ibinuhos iyon sa nagdurugo kong hintuturo.
"Hindi naman masakit. Ang OA mo, Isabelle!" natatawa ko na ngayong pahayag at kinuha ang tissue na nasa table, para punasan ang basang hintuturo na hinugasan pa ni Isabelle. Pero may bahid pa rin namang dugo roon.
"Mas, OA ka, lakas ng sigaw mo, eh!" pambabara naman nito sa akin habang natatawa na.
"Oo na, nag try lang naman ako kung hindi na 'ko mahihiwa ulit, e!" naka pout ko nang pahayag kay Isabelle, at sa gilid naman ng mata ko ay kitang-kita ko roon si Javier na nakatingin pa rin sa hiwa kong hintuturo, hindi naman malaki, pero marami pa rin ang dugo na lumabas.
"So, mauuna na muna kaming tumaas, malamig 'din," wika naman ni Rafael.
Tumango naman ako at tiningnan si Isabelle. "Doon ka pa rin matutulog kasama ako, huh! Bukas na kayo mag loving-loving ni Rafael." Halakhak ko namang pahayag sa kaniya at ang babaita ay nakasimangot na, pero wala naman siyang magagawa. T'ska sinusulit ko lang ang oras na makasama siya. Kakarating ko lang sa Manila, tapos ang bilis ng araw magpapakasal na siya at ngayon ay nakapag-pakasal na nga.
Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Javier sa baba at ang huni na lang ng mga ibon at alon ang naririnig namin. Naramdaman ko naman na parang may telang pumatong sa dalawang balikat ko at binalingan ko si Javier na siyang inaayos ang jacket nitong dala para ipatong sa akin at hindi naramdaman ang malamig ng simoy ng hangin.
"Thank you!" parang nahihiya ko nang pahayag sa kaniya.
"Is your index finger are okay now?" Turo niya naman sa hintuturo ko na naka-balot pa rin sa tissue paper.
"Oo, hindi na naman masakit, nabigla lang no'ng pagbukas ko."
"Sana, pinabukas mo na sa akin. Para hindi na nagka ganiyan pa." Casual nitong pahayag sa akin at uminom na naman ulit sa can beer nito.
"Hmmm... Ever since kahit anong open can na lata ang bubuksan ko ay nahihiwa talaga ako. Ewan ko ba sa hintuturo ko, sobrang nipis yata. T'ska nag try lang akong buksan, kasi matagal na naman iyon. Kaya lang ganoon pa rin pala!" paliwanag ko sa kaniya at uminom 'din sa can beer na binuksan ko kanina.
Binalingan ko naman si Javier na nakatingin na sa dagat at narinig ko na lang ang mabigat nitong paghinga.
"Can I tell you something?" He asked me while he still focusing watching the small waves on the ocean.
"Sure," mahina ko namang sagot sa kaniya.
Bago pa man siya magsimula ay bumuntong hininga ulit siya. Siguro ay tungkol iyon kagabi. Mahal niya pa rin ba ang babaeng iyon kahit na nasaktan na siya nang lubusan?
"Is there something wrong ba? I'm here, willing to hear what you're feeling right now."
"I knew, you already heard our conversation last night!" baling naman nito sa akin, pero mabilisan niya naman ulit siyang tumingin sa dagat.
Nagulat naman ako sa sinabi nito. Malakas din naman palang makiramdam 'tong si Javier, eh. Hindi na naman ako nakapagsalita, dahil nagsalita na rin kaagad ito.
"She's my ex girlfriend...-"
"Go on...," pagsasalita ko naman sa kaniya na ipagpatuloy ang pag kwe-kwento.
"She's my ex girlfriend and she was cheating at me and I didn't know, while I'm here and she was in Australia because of her worked."
Napasinghap naman ako sa sinabi nito sa akin. Grabe naman 'yong naging girlfriend niya. Bakit hindi siya naging loyal kay Javier. Na kay Javier na kaya ang lahat.
"She confessed me that two years ago. After I saw her with that fucking Attorney in Australia...," ramdam ko naman ang galit sa tono ngayon ni Javier.
'Sabi ko na nga ba, eh. Pinagpalit sa malapit.'
Lumingon naman si Javier sa akin at uminom ulit sa can beer nito, kaya ganoon din ang ginawa ko. Wala akong masabi, e! Hindi ko pa naman naranasan 'yon. At sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nag kaka boy friend.
"What do you feel, if your boyfriend was cheat at your back?" biglang tanong nito sa akin. Ako naman ay hindi ko alam ang gagawin. Ano nga ba ang mararamdaman ko?
"Hmmm... I think, I'll get furious about him. Iyon ang unang kong mararamdaman. How dare him to cheat me at my back. Tapos hahambalusin ko sila ng ipinalit niya sa akin!" sabi ko naman habang nang gagalaitin 'din sa galit at may pasuntok pa sa hangin na nalalaman.
Natawa naman ito sa naging reaksiyon ko. "Ikaw ba anong naramdaman mo? Anong ginawa mo?" I asked him in a serious voice and drink my beer.
"I did'nt do anything...-"
"Hindi mo lang ba sinuntok yung naging kabit ng ex mo? Gago, ang hina mo bro! If ako 'yon, basag na bungo no'n sa akin!" pag re-react ko naman kahit na hindi pa siya tapos magsalita.
Narinig ko naman siyang tumawa at umiling-iling. "I'm not like, what you are thinking. Of course at first I want to punch that bastard so hard but Nichole was trying to calming me down that time."
"Ay! ayon naman pala!" bahagyang palakpak ko. "Ang hina mo! Hmmm... Pero ngayon ba mahal mo pa rin siya?" I asked him in a low voice? Pero ba't gano'n parang ako ang nasasaktan sa naging tanong ko sa kaniya. Kaya naman hindi ko mapigilan na ipanalangin na sana ay wala na siyang nararamdaman pa. Pero nanlumo ako ng tumango siya sa akin nang bahagya at kumuha pa ng isang can beer sa lamesa at binuksan iyon.
Para akong pinagsakluban ng mundo dahil sa naging sagot niya sa akin. Bakit ba kasi ganoon ang naging tanong ko sa kaniya?
'Angela, wala ka na talagang pag-asa. Mahal niya parin ang ex niya, kahit may nagawa ito sa kaniya. Ikaw ito, tamang taga kinig lang at ang tamang gawin mo na lang ay ang kaibiganin si Javier.'
"If ever na maging okay kayong dalawa...? Babalikan mo parin ba siya?" hindi ko naman mapigilan na itong pa iyon sa kaniya. Minsan ang talas talaga ng bibig ko, e! Ayaw huminto. 'Angela ikaw lang ang nasasaktan niyan.'
Pero sa tanong kong iyon ay wala na siyang naging sagot at inalaklak na lang nito ang beer hanggang sa maubos niya iyon. Inilapag niya naman ang ubos ng beer sa lamesa at isinandal ang ulo sa upuan na inuupuan namin ngayong dalawa.
"Even I loved her. It would never be the same before. Tapos na kami at nag momove on na ako dahil sa kaniya," sabay tingin naman nitong sabi sa akin.
"That's good." Iyon lang naman ang nasambit ko dahil hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pag-asa at kilig sa binitawang sagot niya sa akin.
"Hmmm... Pero paano pag nagmakaawa siya na balikan mo siya? Anong gagawin mo?" tanong ko pa ulit sa kaniya.
Narinig ko naman siyang bumuntong hininga at tiningnan ako sa mga mata ko. "As I said, it would never be the same. Even I loved her, that's not enough for accepting her in my life again. Nakalipas na siya. Ang tanging magagawa ko na lamang ay kaibiganin siya. That's all!" nakangisi na nitong pahayag sa akin.
Tumango-tango naman ako sa kaniya at hindi na nagsalita pa. Ako naman ay inubos na ang laman na beer sa can at inayos ang nakapatong na jacket sa akin ni Javier. Ilang jacket na ba ang inilahad nito sa akin? Napaka conservative rin kasi ng taong ito.
'Hays, sinayang mo ang nag-iisang Javier Marlbert Gutierrez sa mundong ito, Khyla Nichole Ezpanta!'
Naramdaman ko naman na mag lumakas ang hangin kahit na may jacket nang nakapatong sa akin.
"Let go inside. Malamig na at babalik pa tayo bukas sa Manila." Lintaya naman nito sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at inayos muna ang naging kalat namin at siya ay ganoon din ang ginawa. Nang matapos naman kami ay kaagad na kaming tumaas sa rest house at gising pa naman ang dalawang bagong kasal. Si Nanang naman siguro ay tulog na.
Lumapit naman ako sa bagong kasal at kinuha ang kamay ni Isabelle. Kaya naman napatayo ito sa pagkaka-upo.
"Pahiram ng bagong kasal na bride. Matutulog na kami!"
Mag-aapila pa sana si Rafael kaya lang ay nahila ko na si Isabelle sa kwarto namin.
"Bukas na lang kayo, mag loving-loving. Gusto ko pang makasama ka. Alam kong hindi kita makikita ng ilang linggo, dahil mag hohoneymoon pa kayo ng asawa mo rito. But don't forget na pagdating sa Manila, dapat buntishhhh...-"
Pinutol naman nito ang sasabihin ko gamit ang kamay nito at ipinangtakip sa bibig ko. Inalis naman nito kaagad ang kamay na nakatakip sa bibig ko at ang babaita ay sobrang pula na ng mukha dahil sa sinabi ko.
"Hay, Isabelle, you need to be open minded. Gagawin niyo rin iyon, dahil kasal na kayo. Basta don't forget my inaanak," lintaya ko naman at humalakhak na.
"Ange, pakihinaan maririnig ka ng dalawa niyan, eh! Nakakahiya." Pulang-pula na nitong lintaya sa akin.
"Isabelle, gusto ko naring mag-asawa!" walang sabi-sabi kong pahayag sa kaniya.
Pero ang loka ay pinatawanan lang ako. "Ayan na nga, naandyan na si Javier. Bagay na bagay kayong dalawa, e!"
"Hindi siya ang someone better ko!"
"Ayan ka na naman sa someone better mo! Javier is a good man. Kung tutuusin nga niyan. Pag nakikita ko kayong magkasamang dalawa kahit na para kayong aso't pusa, ay bagay kayong dalawa!" Mahabang pahayag naman nito sa akin.
"Nako, Isabelle, ewan ko na lang! I will say you this huh? Noong una pa lang ay crush ko na si Javier, pero hindi ko na alam ngayon," nakasimangot ko nang pahayag sa kaniya at umupo na sa kama at inalis ang nakapatong na jacket ni Javier sa akin.
"Ikaw na lang manligaw!" Pag bibiro naman nito sa akin at yinakap ako.
"Gaga, ano ako desperada?" Natatawa ko namang tanong sa kaniya.
'Hay, Isabelle. Hindi mo pa alam lahat, eh! Ayoko nang umasa pa. Kahit minsan ay kakaiba ang ipinapakitang gawi sa akin ni Javier. Siguro magkaibigan lang talaga kami. Soon, makikita ko rin ang someone better ko. Ika nga nila now but soon!'
To be continued...
Thank you for reading!
MariaMarj