MATAGAL nang tulog si Bryan ay gising pa rin si Lana....nakatitig siya sa kawalan habang nagpapahinga sa terasa na kanugnog ng silid ng binata.
Pinaaalis niya si Yazmer bukas...pero totoo kaya iyon sa kanyang kalooban?
Naiiling na gumawi ang tingin niya sa swimming pool kung saan naganap ang unang halik nila ni Bryan.
Pero bahagya siyang natigilan nang mapansing may tao roon.
Si Yazmer! Siya ba iyon?
Nang tumalon sa tubig ang babaeng nakasuot ng two-piece swimsuit,saka lang niya nasiguro na si Yazmer nga ang natatanaw nang matanglawan ito ng liwanag ng ilaw sa ilalim ng tubig
I have to see her...I have to talk to her.
Sa huli,natagpuan ni Lana ang sarili na palabas ng silid,pababa ng hagdan at patungo sa swiming pool.
"Hi!"
Natigilan ang babaeng paahon sa tubig.
"Sino ka?"bahagyang kumunot ang noo nito nang mabanaag ang bulto ng isang babae.
"Hello,ikaw si Yazmer,hindi ba?" nakangiting wika ni Lana nang tumambad mula sa madilim na bahagi ng halaman.
"H-ha?"gulat pa itong napaatras nang makita siya.
"Alam kong hindi mo ako kilala,pero ikaw,kilala kita. Alam ko ang istorya ng nakaraan ninyo ni Bryan."
"I-ikaw ba ang bagong.....ka-live-in ni Bryan?"
"Well,sort of."
"B-bakit mo ako pinuntahan dito? A-aawayin mo ba ako dahil—"
"Of course not! May gusto lang sana akong itanong sa iyo?"
"Ano iyon?"
"Do you really love Bryan kaya ka nagbalik?"
"Anong klaseng tanong ba iyan,ha?"
"Gusto ko lang namang malaman. Dahil kung talagang mahal mo siya,aalis ka na, iiwanan mo na siya."
"A-ano?"
"You know why? Dahil sa akin siya liligaya...ako lang ang makakapagpaligaya sa kanya. So,just to save ypur pride,leave us alone. Leave usin peace. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa kanya. Minsan ka nang nagkasala sa kanya,minsan mo na siyang sinaktan,so,hayaan mo na siyang lumigaya."
"Bakit mo sinasabi sa akin iyan?"
"Dahil ayokong maging harsh sa iyo. Nagsasama na kami ni Bryan,at anytime ay pakakasal na. So,para sa katahimilan nating tatlo,umalis ka na. Dahil hindi naman ako papayag na mabawi mo siya sa akin."
Hindi kumibo ang babae,basta nakatitig lang sa kanya,at gusto niyang magtaka,bakit parang nawala ang katarayan ng babaeng sinasabi ni Aling Jessivy na mataray daw.
"Okay-okay,aalis ako bukas na bulas na rin!"mayamaya ay bigla nitong wika"Pero may gusto lang akong itanong."
"Ano iyon?"
"Ikaw ba si Lana kate Almonte? The real Lana kate Almonte,ang sikat na commercial at fashion model?"
Kinakabahan siya sa tanong nito.
"H-how did you know?"pero hindi niya magawang magkaila.
"Of course,I know. Kilala ko ang mukhang iyan. Ang mukhang naging dahilan kaya naging espesyal ako kay Bryan. Ang mukhang madalas naming pag-awayan dahil alam ko na lihim niyang kinababaliwalan."
"Ano? A-anong sinabi mo?"
"Ang ibig kong sabihin,he's your number one fan! Head over heels in love siya sayo! Kaya nga nang magkakilala kami,agad niya akong nagustuhan,dahil nakikita niya sa akin ang mukha mo. Paano nga ba kayo nagkilala,ha?"Hindi makasagot si Lana,bigla siyang naguluhan sa pinagsasabi nito."Anyway,ano pa nga ba ang pakialam ko roon? Afterall, totoo nga palang wala na akong laban sa pagkakataong ito. Nakamit na pala ni Bryan ang pag-ibig ng babaeng sinasamba niya."
"Anong—"
"Good night, Lana,huwag mo na akong awayin,aalis na ako...wala akong laban sa iyo."Pagkawika niya iyon ay humakbang na ito patungo sa bahay at nawala sa kanyang paningin.
Naiwang natirigilan si Lana...hindi pa rin niya ganap na maunawaan ang pinagsasabi ni Yazmer.
~*~
"TALAGA? Umalis na si Yazmer? Buti naman, hindi na niya ako hinintay na magising. Ah,aling Jessivy,ipaghanda ninyo ng masarap na pagkain si Yaz,ha?"
"Oho,Sir Bryan."
"Sige ho,aakyat na ako at baka gising na ang baby ko."
"Oho."
Bumaling na si Bryan palabas ng kumedor.
Pero nasalubong nito sa hagdan ang dalaga.
"Hi baby!"nakangiting wika nito.
Hindi kumibo si Lana,basta nakatotig lang siya rito.
"Hey,what's wrong?"
"Umalis na si Yazmer,ang totoong Yazmer?"pormal ang mukhang tanong niya nang tumalikod at humakbang pabalik sa silid nila.
"Ha? Paano mo nalaman na....narito si Yazmer?"napahabol sa kanya ang binata.
Hindi siya kumibo hanggang makapasok na sa kanilang silid.
"Hey,baby. Paano mo kako nalaman na dumating si Yazmer at—"
"Ang tanong ko ang sagutin mo..."bigla siyang humarap dito.
"Ano ba iyon?"halatang kinakabahan ang binata
"Sa simula pa lang,alam mong ako si Lana kate Almonte,hindi ba?"
"Ha?"
"Aminin mo na. Nagkausap kami ni Yazmer,sinabi niya sa akin na...you're my number one fan noong....commercial at fashion model pa ako."
"Lana..."
"Nang makuha mo ako sa dagat, nakilala mo ako,ganoon ba?"
"Lana, I can explain and—"
"Just answer my question,damn it!"
"Lana!"
"Ano? Aminin mo na!"
"Okay,yes!"biglang sabi nang binata." Alam kong ikaw si Lana kate Almonte! Of course nakilala kita nang makuha kita sa dagat! At paanong hindi kita makikilala,sinabi na nga sa iyo ni Yazmer,hindi ba? I'm your number one fan! At ano pang sinabi niya sa iyo ha? Kaya ko siya nagustuhan ay dahil kamukha mo siya,na kahawig mo siya? Oo,aaminin ko! Totoo iyon! I've fallen in love with her dahil kamukha siya ng babaeng sinasamba ko. At hindi lang iisang beses na nag-away kami,na nagselos siya dahil kahit kami na,patuloy pa rin akong natutulala sa tv monitor kapag ipinalabas ka sa mga commercial na nilabasan mo. At nang magkahiwalay kami ni Yazmer,labis akong nalungkot dahil nawala na sa akin ang babaeng kahawig mo. Pero lalo akong nawindang nang mabasa ko sa society page ng broadsheet ang nalalapit mong kasal. My heart was broken and scattered into pieces. I'm an obsessed fan,iyon ang tawag sa akin ni Yazmer. But deep in my heart, alam kong hindi lang ako obsessed fan,it's more on that. Kaya nang makuha kita...nang magkaroon ako ng pagkakataong makasama ka rito...hindi ko iyon napalampas." humina na ang boses nito.
"B-bryan."
"I'm sorry...patawarin mo ako!"biglang niyakap ng binata si Lana."Niloko kota...sinamantala ko ang pagkakataon na may amnesia ka.. kahit alam ko kung saan ka isosoli, kung saan ka ihahatid,hindi ko ginawa. At patawarin mo ako...lihim akong magdasal na sana ay hindi mo na maalaala kung sino ka. That way, hindi ka mawawala sa paningin ko."
"B-bryan."
"Tatlong araw ka na rito sa isla nang magpunta ako sa bayan at nabasa ko ang balita na hindi pala natuloy ang kasal mo dahil hindi ka sinipot ng fiance mo. And I'm sorry again, ntuwanako sa balitang iyon. Maybe I'm too selfish...pero anong magagawa ko...nasa akin na ang lahat ng pagkakataong matupad ang mga ilusyon ko?"
"B-bryan...bakit hindi mo sinabi agad?"
"Dahil nga ayokong mawala ka sa akin."lalong humigpit ang yakap nito sa kanya."But please,forgive me. Nagawa ko lang iyon dahil mahal na mahal na pala kita." Masuyong humaplos sa buhok nito ang palad niya."Lana..."nagtatakang napalayo ito sa kanya.
"Yes, I shall forgive you...."
"Lana!"
"Dahil naglihim din ako sa iyo. Bago pa may nangyari sa atin,nagbalik na ang alaala ko."
"What?"
"Pero hindi ko sinabi sa iyo."
"Bakit?"
"Dahil ayokong umalis ng isla, ayokong iwanan ka. I want ypu to be happy...at naisip kong baka nga mapaligaya kita."
"Yes,you made me happy."
"Talaga?"
"Of course....dahil naging akin ka na."
Napangiti si Lana.
"Kung ganoon pala,wala na akong dapat ipag-alala...dahil hindi mo pala binuhay sa akin si Yazmer....kundi ako talaga ang gusto mo? That you love her before just to keep on remembering me?"
"Yes,kaya nga kahit sampung Yazmer pa ang magbalik,never ko silang tatanggapin dahil narito na sa piling ko ang original."
"Oh,Bryan! You made me happy!"
"Iyon ang gusto ko,ang mapaligaya ka. And it means....pakakasal ka na sa akin?"
"Are you proposing now?"
"Yes!"
"Okay, I accept."
"Talaga?"
"Yeah..."
"Oh, Lana...Lana! Tell me this is not a dream."
"No,this is not a dream."
"Oh,Lana! Lana!"at sa katuwaan ni Bryan,nasiil nito nang halik ang dalaga...
Na kanya ring tinugon,at ngayon, mapapanatag na ang kanyang kalooban,hindi lang ang salitang mahal siya mula sa binatabang kanyang narinig...kundi ang katotohanan pa sa likod ng mga pag-aalaga nito sa kanya.
Please Vote and Comment