CHAPTER 12; Fishball
KHATELYN'S POV
Uwian na namin at sumasakit na naman ang ulo ko. Pano ba naman kasi last subject namin ang Science at ayaw ko non.
"Oh My God Khate! Can you please walked properly?!" sigaw ni Sydney. Nakahawak kasi ako sa kanya at muntik na kami matumba dahil bigla akong nahilo.
"Aishhh..." ingit ko. Bumitaw ako sa kanya at naglakad ako ng akin. "I really hate that subject!" inis na bulong ko.
Nahihirapan na ako mag lakad kaya naman hinila ko si Sydney doon sa upuan sa tabi.
"I-text mo na ang Daddy mo para masundo na tayo dito." sabi ni Sydney. "Nai-text ko na ang Daddy ko na sa inyo ako sasabay." dagdag niya pa.
Kinuha ko ang cellphone ko nai-text ko si Daddy na sunduin na niya kami dahil uwian na namin.
Habang nag-iintay kami sa pagdating nila Daddy, napatingin ako kay Sydney dahil bigla siyang tumayo.
Tumalon-talon siya. "Oh My God, Khate! Look, may fishball?!" sigaw niya. Favorite niya ang fishball at ayaw ko non, pero dahil lagi siyang bumibili non kapag magkasama kami, ibinibili niya din ako.
Tumango ako. "Yeah, I see..." sabi ko. Tatayo na sana ako pero naalala ko na baka hanapin kami ni Daddy dito. "Ikaw nalang kaya?" tanong ko.
Napatigil siya sa pag talon. "Huh?! Why?" tanong niya.
"Daddy will arrived here soon..."
"Hindi yan, let's go!"
Bumuntong hininga ako at pinakiramdaman ang sarili kung nagugutom ba ako?
Nagugutom ako, pero baka dumating dito sila Daddy at hanapi kami.
"Ano ka ba?! Mamaya pa yun, anong oras ba sila dadating?"
"I don't know. It's already 5:30 PM, and I'm sure that Daddy's car will come here anytime."
" Yun naman pala eh?! 5:30 PM na kaya naman bilisan nalang natin." pagpipilit niya at nauna ng umalis. Tumayo ako at sumunod sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na nagugutom na din ako.
"Ahm...Kuya, pede po bang tandaan nyo itong mukha ko na ito?" tanong niya sa nagtitinda habang tumutuhog ng fishball. Tumawa siya. "Itong gandang ito, Kuya huh?!" dagdag niya pa.
"B-bakit naman po Miss?"
"Kasi, Kuya...favorite ko po ang fishball. Bago lang kami dito at sigurado po ako na lagi akong bibili sa inyo!"
"Talaga Miss?! Edi kapag nagkataon, ikaw ang una kong suki dito?!" tuwang-tuwang sabi ng tindero ng fishball. Tumingin siya sa akin. "Ikaw, Miss? Paborito mo din ba ang fishball?" tanong niya sa akin.
Umiling ako para sabihing hindi ko iyon paborito pero nag salita si Sydney. "Naku! Kuya, wag po kayong maniwala dyan!" sabi niya. Tumigil ako sa pagtuhog para maharap siya. "Hindi daw paborito pero laging bumibili." bulong niya na ikinakunot ng noo ko.
"I don't really like this fishball, Sydney." malamig na sabi ko, sumasakit na ang ulo ko dadagdag pa siya. Napatigil siya sa pagkain ng fishball dahil sa sinabi ko. "It's just...you forced me to buy this before. And now here I am...with you, buying this thing." dagdag ko.
Ngumuso siya bago nag salita. "Sorry naman...eh kasi, akala ko paborito mo din ito. Yun pala, ayaw mo nito." ngumuso pa siya lalo.
Bumuntong hininga ako at ipinagpatuloy ang pagtuhog habang nagsasalita. "Hindi naman sa ayaw ko nito. Bumibili lang ako nito dahil bumibili ka din, ayaw kong isipin mong nag-iinarte ako dahil kumakain naman ako nito. Pero kasi..." tumigil ako sa pagsasalita at hinarap siya upang tignan ang magiging reaction niya. "Sydney, this is not my favorite..." bigo kong sinabi sa kanya.
Napanood ko kung paano nawala ang ngiti sa kanyang labi ngunit nagawa niya parin itong ingiti ulit.
Nagpatuloy siya sa pagkain. Nagbayad siya at nagbayad na din ako ng akin. Nagpasalamat muna kami kay Kuya'ng tindero bago kami umalis.
Pagka-upo namin sa inuupuan namin kanina ay nagsalita siya kahit puno pa ang bibig niya. "D-dapat s-si...sinabi mo sa a-akin. Hindi mo n-naman pala favorite y-yon..." sabi niya. Tinuro ko yung bibig niya para sabihing ubusin muna niya yung nasa bibig niya bago siya mag salita.
Ngumiwi ako sa kanya dahil mag sasalita pa sana siya pero inunahan ko na. "Can we just...finish this first?" turo ko sa fishball na kinakain namin. Tumango naman siya at kumain nalang muna.
Antakaw niya talaga! Halatang favorite niya yon...
Lumipas ang ilang minuto ngunit wala parin sila Daddy at Kuya. Habang nag iintay kami ay naglalaro lang kami ni Sydney sa cellphone namin. Hindi na kami nag-usap dahil mukhang nakalimutan na din naman niya. Nawala ang nilalaro ko sa screen at napalitan ito ng isang tawag.
Daddy's Calling...
Tinitigan ko muna ito dahil hindi ko maalala kung bakit siya tumatawag. Naalala ko lang nung kinalabit ako ni Sydney ay ini-nguso ang cellphone ko.
Susunduin na nga pala kami...
I answered the call. "Hello?" that was Daddy's voice. "Where are you?"
"Uhm, we're here. In front of a gate, anyway I'm with Sydney." sabi ko, tinignan ko si Sydney at naabutan ko siyang naka tingin sa susunod konh sasabihin.
Nakarinig ako ng busina ng sasakyan sa kabilang linya ng tawag, mukhang malapit ma siya. "Huh? Why?" tanong niya.
Bumuntong hininga ako, nakakapagod mag salita. Gusto kong manahimik ngayon, sumasakit ang ulo ko. "Sasabay siya sa atin. Her Mom and Dad are going to be late." pagod na sabi ko habang hinahawakan ang noo ko. Noo kong mainit na ngayon.
"Okay, but what about her sister?"
"I don't know. Maybe she's home." sagot ko at tumingin kay Sydney, tumango naman niya. "Naka-uwi na daw...sabi ni Sydney."
"Hmm, okay."
Tumungo ako, ansakit na talaga ng ulo ko. "Hurry up, Daddy. I think I'm sick." pagka sabi ko non, ay parang naka rinig ako ng sasakyan na nag break. "Hey, Daddy?! Whats wrong?! What happened?! What's that sound?!" nagpapanic na tanong ko, napatayo pa ako. Tumayo din si Sydney upang alalayan ako dahil muntik na akong matumba.
"Anong 'sick' ang sinasabi mo dyan?! Kanina ang lakas-lakas ng energy mo!" bakas sa tono ng pananalita niya ang panic.
I ignored what he's asking me. "What's that sound?" narinig kong bumilis ang pag takbo ng sasakya.
"Daddy?! What happened?!" I heared Kuya's voiced, panicking too.
Nasapo ko ang noo ko, lalo pang sasakit ito. "Oh god, Daddy?! Drive safely! It's just a head ache!" I said, still holding on Sydney's arm.
"You said that you're sicked?! And now, its a head ache?! What the hell, Khate?"
"Oh, come on. Let's talk later! Just come here, SAFELY---"
"Khate, what happened?!" it's Kuya, asking me.
Lalo akong nahilo sa sigaw niya. Inagaw sakin ni Sydney ang phone ko at hinayaan ko siyang makipag-usap sa kapatid ko. Pinaupo niya ako bago siya nag salita.
"Hello, Kuya. Sumasakit po yung ulo ni Khate, siguro dahil na naman sa subject namin." natatawang kwento niya. Tumango siya. As if naman andito yung kausap niya? Psh. "Andito po kami sa malapit sa labas ng gate...iniintay na po namin kayo." tumigil siya saglit, mukhang may sinasabi si Kuya or si Daddy sa kanya. "Okay po, andito lang po kami. Sige po iintayin na po namin kayo...bye Kuya! Bye Tito!" sabi niya, pinatay niya ag tawag at ibinalik sa akin ang phone ko.
Ngumuso ako habang naka tingin sa phone ko. Haayss, I think Daddy will be mad at me, again. Ngumuso ako lalo dahil sa naisip. Masakit pa naman yung ulo ko! Masyado silang makapag react ni Kuya?!
~Continued...