{CHAPTER 37}
Gano'n padin ang routine kinaumagahan. Nariyan palagi si Austin na bubwisitin ako sa pambubusina niya. Sa araw araw niyang pagsundo sakin ay bubwisitin niya ako sa ganon paraan. Pero babawi siya sa panlilibre ng cupcake.
"I should probably buy my own car "
'Yon ang iniisip ko araw araw. Kung ayaw nila papa then I should do it on my own. Wala naman na siguro silang magagawa kapag nandiyan na.
"Why? Ayaw mo na ba na sinusundo kita?" kunot noo niyang tanong.
"Hindi. Nauumay na kasi ako sa muka mo"
Nalukot ang muka niya sa sinabi ko.
I laughed " I'm just kidding. Ayoko lang na abalahin ka sa pagsundo sakin. I know it's hard kasi alam kong busy ka. Tsaka gusto ko din maranasan 'yong may sarili kang kotse. Ayoko na maabala ka pa dahil sa kakasundo sakin"
"I'm doing this because I love you. Hindi naman kita pwedeng hayaan na mag commute. "aniya
"Aus-" pinutol niya ang sinabi ko
"Hep. Don't say anything " he smirked
Tumikhim ako sabay tingin sakanya.
"May driver naman na pinadala si papa. I just didn't know, bakit pa kelangan niya mag hire ng driver kung pwede naman niya akong turuan. Hindi ba? It doesn't make sense" pang iiba ko sa usapan.
Pupuwede naman siguro 'yon para hindi na siya gumastos pa. Wala pa akong driver's license. Pero kapag meron na akong kotse ay pag-aaralan ko 'to ng mabuti.
"Your father want you to be safe."
"I know."
Magkaiba kami ng pinasukang classroom ni Austin. Tahimik lang ako habang nagd-discuss ang terror teacher namin. Tahimik ang loob ng classroom. Walang gustong umimik at magsalita. Sa tingin ko nga maging ang paghinga ay iniiwasan nilang lakasan.
Habang nagsusulat sa board ang teacher namin ay pumasok ng walang paalam ang walang modong si Izan. Tumabi siya sakin kaya agad akong tumalikod.
"Hmm. What a sudden change of attitude. " he said trying to get my attention. "Miss na miss na kita. I miss everything of you. Your face, your lips."
Miss mo pala ako eh di sana noon mo pa akon nilapitan. Naiinis ako pero hindi ko 'yon pinakita. Nagsusulat ako sa notebook ko kahit hindi naman kailangan. Sudden change of attitude? siya nga kakasabi lang na mahal niya ako pero umalis siya agad para sa ibang babae.
"Hey. Pansinin mo naman ako " aniya sabay pisil sa pisngi ko.
Hindi ko siya pinansin, bahala siyang manigas sa kinauupuan niya. Kiniliti niya ako sa bewang. Nagbigay 'yon ng kakaibang pakiramdam.
"Ano ba?" mahinahong sabi ko.
Stay calm, Bella. Kahit na namimiss ko ang pag pisil niya sa pisngi ko. Naramdaman ko ang init ng pisngi ko. Hindi ko siya binalingan kahit andami niyang sinasabi. Deretsyo lang ang tingin ko sa white board. Kahit hindi ko na naiintindihan pa ang mga nadidiscuss. Na din-distract ako sa mga titig ni Izan.
Naglakad na ako papunta sa covered walk para hintayin si Austin. Dito ko siya laging hinihintay. Naisipan ko din na sa bahay na lang gawin ang pinapagawa nila, ang mga stressful na paperwork.
Hinawakan ni Izan ang palapulsuhan ko at pinilit isakay sa kotse niya. Bubuksan ko sana 'to pero naka lock. Umikot siya papunta sa driver seat. Naka max ang aircon ng kotse niya kaya nilalamig akong tinignan niya. Padabog kong hinampas ang pinto ng sasakyan niya.
"Ano ba? Buksan mo nga 'to! Susunduin ako ni Austin. Bababa na ako. Bakit ka ba nandito? Diba dapat Di Bethany ang sinusundo mo? Bakit ka pa nag aaksaya ng oras sakin? Diba siya 'yong pinili mo?" asar kong sinabi
Hindi siya sumagot pero nakita ko ang pagkuyom ng panga niya ang paghawak niya ng mahigpit sa manibela. Tinapakan niya ang gas.
Mabagal lang ang pag d drive niya.
"Si Austin " pagbasag ko sa katahimikan.
Bumuka ng kaonti ang bibig na. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Deretsyo lang ang tingin niya sa kalsada kaya tumingin din ako don. Nakita ko ang pamilyar na daanan. Papunta sa garden of flower.
Pagkapark niya ng sasakyan ay umikot siya para pagbuksan ako ng pintuan.
"Izan, si Aus-"
"Ano?! Austin na naman? Ano bang meron kay sa Austin na yan at hinahanap hanap mo?! Puro ka nalang Austin, anong ba kayo? Ano bang meron sainyo ng Austin nayan ha? May relasyon ba kayo?" nakakunot noo niyang sinabi
"Ano kayo ni Beth?"
Bakit mo siya pinili? Bakit hindi ako?
"Bella, walang kami okay? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang kami dahil ikaw ang mahal ko! "
"Mahal mo ako pero iniwan mo ako ng gabing 'yon at mas pinili mo si Bethany Sison!"
Kahit na gusto kong umiyak hindi ko 'yon ginawa dahil ayokong maging mahina sa mga mata niya.
"Binalikan kita no'n pero wala ka na do'n. Hinanap kita pero wala ka na. Tapos kinaumagahan makikita ko na lang kung gaano ka kalambing kay Austin? Damn what do you want me to do? Bakit ka may reserba, Bella?!" sigaw niya
Mabuti na lang at walang tao. 'Yong iba ay malayo samin. At busy
din sila sa mga ginagawa nila.
"Ako pa ang may reserba? Bakit ano si Bethany? Hindi ba ay reserba mo din yon, o ako ang reserba mo?" kahit na pinipigilan ko ang umiyak ay nangingilid padin ang luha ko.
"I'm guilty. Naawa ako dahil pinaasa ko siya. Dahil mahal na mahal niya ako pero hindi ko masuklian 'yon. Sinabi ko na sakanya na ikaw 'yong mahal ko no'n pa. Pero hindi padin siya tumigil na mahalin ako."
Yumuko siya pero until unti ding inangat ang ulo niya.
"Paano ako? Hindi ka naawa sakin? You said you love me but why did you choose her over me?" tumawa ako pero punong puno 'yon ng sarkasismo.
"I didn't choose her, Bella. Nagpaliwanag lang ako. Dahil kung siya 'yong pinili ko dapat wala na ako dito ngayon sa harap mo. Nagseselos ako dahil hatid -sundo ka ni Austin. Nagseselos ako dahil kayo lagi ang magkasama." masungit niyang sinabi
Tumikhim siya. Nanahimik lang ako.
" I'm sorry, sinabi kasi ni Bethany na wa'g daw muna kita kausapin hanggang hindi kayo nag-uusap."
Talagang sinunod niya 'yong sinabi ni Bethany.
"Yeah. Nagmakaawa siya sakin na i give up kita sakanya. I said yes. Kaya kung gusto mo do'n kana kay Bethany. "
"You sure you did? " he smiked devily.
Hindi ko alam kung alam ba niya na hindi ko siya ni give up kay Bethany.
Hinawakan niya ang braso ko at marahang nilapit sa katawan niya at agad akong niyakap. Napapikit ako sa mabangong amoy ng damit niya. Gusto kong namnamin ang oras na nakayakap siya sakin. This is what I want, to be in his arms.
"You are mine, Isabella. I love you."
It felt so good hearing his sweet voice saying those three words. Pero hindi dapat ako magpadala sa mga sinasabi niya. Gusto kong mapatunayan na this time ako na talaga ang pipiliin niya. I shouldn't just open my arms whenever he wanted to come to me. O kung sa tuwing maalala niya lang akong balikan.
"I'm not yours, Izan. " inipon ko ang natitirang tapang ko. "Stop this nonsense. Stop lying to me, fix yourself and go back to Bethany "
"Okay sure!" sigaw bigla ni Izan.
Ano? Gusto din niyang pumunta kay Bethany. Parang may kung anong kutsilyo ang tumusok sa puso ko. Sure? Sure what?
" I will court you kahit na hindi tayo nag-break, Bella. I will court until you answered me with your sweet yes, babe. "
Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Tumibok ng mabilis ang puso ko.
Kinabukasan ay sinundo ako ni Izan para mag date. Hindi ko siya kinibo habang nasa loob kami ng kotse niya. Gustong gusto ko siyang kasama pero hindi ko 'yon ipapakita sakanya. Sinabi niya na kapag hindi daw ako nagpakita sakanya ay papasukin niya ang kwarto ko.
Sinabi ko din kay Austin 'yong dahilan kung bakit hindi na niya ako pwedeng sunduin. Baka kasi magkainitan pa sila dito sa bahay.
"Mabuti at nagpakita ka sakin. Kung hindi baka may nangyayari na satin ngayon. " nangisi niya sinabi.
Uminit ang pisngi ko. Anong nangyayari?
"Manyak " sabi ko sabay kurot sa braso niya.
"Aray! " daing niya
"Bagay 'yan sayo. Napakamanyak mo."
Dinala niya ako sa isang restaurant.
"Dark chocolate cupcake and frapuchino "sabi ko sa waiter.
"Dessert kaagad? Don't you want to have lunch first? " tanong niya
Umiling na lang ako.
"I remember when I ordered all of the cupcakes just to tease you. It felt good when I've seen your face. I know you already killing me in your head. "
Dumating ang order namin at nagsimula na siya ngumuya.
"Mabuti at di ka nabulunan non? 'Yon 'yong sumpa ko. " I said.
"Hindi naman. Tinapon ko lang kasi 'yon e. I feel satisfied seeing your face full of annoyance "
"Wala ka talagang ginawang tama" sinubo ko ang kaonting slice ng cupcake.
Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa garden of flowers. Hindi kami pumasok dito kahapon dahil sa pag aaway namin. Pinagsaklop niya ang mga kamay namin. Hinayaan ko lang siyang gawin yon. Kailangan ko ba talagang pahirapan ang lalaking to? Tinignan ko ang gilid ng labi niya.
Mas lalong dumami ang mga bulaklak na nakalagay. Damang dama ko ang fresh air na dumadampi sa balat ko. Nakakarelax. Samahan pa ng mabangong hangin na galing sa mga bulaklak.
"Ang ganda!" I slightly shouted of excitement.
"Oo nga " sabi naman ni Izan.
Tumingin ako sakanya at nakita kong naka tingin siya sakin. Kumunot ang noo ko. Is it the about the roses or for me?
He laughed, "You know what, gustong gusto kitang yakapin. Gustong kitang halikan. I want you to beg for my love. Gusto ko 'yong mainlove ka ulit sakin pero 'yong mas malalim na kaysa nong highschool pa tayo. Sinaktan kita, sa ilang buwan. Ilang beses ko ng pinigilan 'yong sarili ko para aluin ka. Bawat patak ng luha mo gusto kong punasan. Bawat hikbi mo damn gustong gusto nalang talaga kitang halikan para hindi ko na marinig pa 'yong mga hikbi mo. Sinisisi ko 'yong sarili ko noon kung bakit ka umiiyak. I know. I was too harsh and I'm sorry for being like that. Pinilit kong mahalin si Bethany the way I love you pero hindi ko talaga kaya. I can't fucking stop thinking about you. Why is that? Sinaktan mo ako, tinaboy, pero nandito padin ako. Ikaw padin 'yong mahal ko at kahit kailan hindi na 'yon magbabago. I love you so much. Mahal na mahal kita. At gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang ulit. "
Mahal na mahal din kita, Izan. Pero kailangan mo munang patunayan ang sarili mo. Na this time ako na lang talaga ang pipiliin mo.