Dahan dahan siyang kumatok sa pinto, na agad rin namang bumukas. Nagdalawang isip pa siya kung papasok o hindi. Mukha naman kasing walang tao peroo pumasok parin siya at agad inilapag ang pagkain sa bedside table. Nang mga sandali ring iyon ay dun niya lang napansin ang kabuuan nang kwarto. Sakto rin lang ang lawak nito at di kagaya nang ibang kwartong nakita niya na masyadong galante at masyadong puno nang mga gamit na makikita mong pangmayaman talaga. Sa nakikita niya ngayon ay isa lamang itong simpleng kwartong gawa sa kahoy ang furniture at ang tanging nakadisplay sa buong silid ay mga sketch drawing na karamihan sa mga itoy kalikasan. Di niya maiwasang mamangha sa bawat drawing na nakikita niya talagang mahahalata mo na artist talaga ang may gawa.
Ilang minuto rin niyang tinitigan ang mga drawing nang mapalingon siya sa gawing kanan niya at dun nakita niya na may maliit na balkonahe ito. Sa gilid nitoy naroon ang nakaupong binata at may saplot na ito't, halos nakasuot pa nang jacket. Nakatalikod ito kaya hindi niya alam kung may ginagawa ba ito o sadyang nakaupo lang. Di niya maiwasang ngumiti dahil sa hitsura nito kanina habang tinatakpan ang katawang walang saplot, kung nakita lang ito nang iba'y panigurado niyang mapapatawa ang mga ito nang wala sa oras. "Clean Whieter-clear" angwierdo namang pangalan yun" bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang nakatalikod na binata.
Di na niya inabala pa ito. Alam niya namang makikita nito ang inilapag na pagkain kaya minabuti niyang umalis na't ipagpatuloy ang paglilinis.
"Thanks" rinig niyang sabi nang binata kaya nilingon niya ulit ito pero ganoon parin ang posisyon nito. Hindi na siya nagsalita pa sabay sara na nang pinto at agad nang tinungo ang kwartong nililinisan.
Yuuhuu! What's new! Nabibingi na si Zeph sa napakalakas na usapan ng mga estudyanteng nasa tabi lang niya. It's been two day's since the incident of her going to Clean's room happened.
"Sup! So whats new my fuwend!
Agad nilingon ni Zeph si Windson. Her gay bestfriend na ngayon ay nakaupo na sa harapan niya. Eversince elementary ay ito na ang kasa-kasama niya kaya nang magcollege sila ay naisipan nilang pumasok sa iisang University and luckily nakapasa naman silang dalawa kaya heto sila ngayon magkasama.
'Wala... Same old same old!
Walang buhay na tugon niya sa tanong nito. Sa totoo lang ay gusto na niyang umuwi kaso ay may isa pa siyang klase.
I'm free next week. So i'm going to your house.
Fine! Yun nalang ang naitugon niya. Sa totoo lang ay madalas silang napag-kakamalang couple tuwing magkasama sila. Pano kasi ay hindi mo mahahalatang bakla si Windson dahil sa galawan nitong lalaking- lalaki at lalong lalo na ang pagmumukha niyang napakagwapo kaya kahit bakla itoy marami parin ang nagkakagustong babae rito na inaakalang nobyo niya dahil hindi sila makapaniwalang bakla nga talaga ito.
Teka pano pag nakita ka ni Mah!?
Bigla nalang siyang napatayo dahil sa isiping makikita at makikilala na nito ang kaniyang nasabing ina. Pano kasi ay hanggang ngayon ay hindi parin niya naipapakilala si Windson.
Uggh! Come on! How many years do I have to wait just to finally meet youre family!? Halata mo ang pagkainis sa tono ng pananalita nito.
Pano kita ipapakilala eh kahit sinong makakita sayo ay hindi iisiping "Oh hes GAY! Come on man! Natatawang sambit niya rito.
Then so be it! Let them think that were a couple, for christ sake! What matters is that you totally knew that i'm pure as hell as Gay! Kung ayaw nilang maniwala then its not our problem.! Iritang sabi nito habang sumisipsip ng inumin.
Matiim niyang tinitigan ito bago siya nagsalita. "Ugghh okay fine! Pagkasabi niya ay agad na siyang tumayo at dali-daling naglakad palayo. Nang lingonin niya ito ay nakita niyang naglalakad na rin ito patalikod sa direksyon niya.
Tumitig lang siya sa naglalakad na binata. Hindi niya maiwasang mainis dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya handang malaman nito ang totoong dahilan kung bakit ayaw niyang ipakilala ito.
"Finally i'm home" masiglang humiga si Zeph sa sariling kama. Sa wakas ay natapos rin ang last sched niya kaya heto na siya ngayon nakahiga at nakapikit ang mga mata. Its already 7:30 p.m. kaya hindi na niya naisipan pang kumain. Matiim siyang nakapikit ng may maalala siya, kaya agad siyang bumangon at agad hinalungkat ang bulsa ng bag niya. Nang mahalungkat niya ito ay nakita niya ang isang maliit na invitation card galing kay Windson. Napangiti nalang siya bigla nang mabasa niya ang invitation card.
Mr. Windson Erio is inviting you to be his escort in the upcoming wedding anniversary of his sister Althea.
Huminga siya ng malalim saka itinapon ang maliit na invitation card sa kama. Wala rin naman siyang balak na pumunta rito. She's not the sociable and party kind of girl. Siya yung tipong hindi lumalabas ng bahay at hindi nakikisalamuha sa maraming tao. And come to think of it. Windson is the total opposite of her dahil mahilig itong mag-arrange ng mga party at makimingle sa kung sino-sinong mga tao. But despite their differences ay nagagawa nilang intindihin at pakisamahan ang isat-isa.
Grandma! No means no!
Rinig ni Nema nang makapasok ito sa sariling kwarto ni Clean at nakita niyang nasa balconahe ito.
What do you mean no? Just for the night will you? Kalmadong sambit niya rito ng makalapit siya sa kinaroroonan nito. Nema was asking her grandson to atleast meet his aunt Silva in the living room. Nang malaman kasi nitong umuwi na ang apo nito galing Paris ay agad itong bumisita kanina.
Tumingin lang si Clean sa kanya na blanko ang mukha saka nagsalita.
"Fine but just for a bit"
Really! Okay then lets get going! Masiglang hinila niya ang apo patungo sa kinaroroonan ni Silva at matagumpay niya itong naipakilala rito.
Matapos maligo ni Zeph ay agad siyang lumabas ng kwarto. Naglalakad siya pababa nang hagdan ng bigla niyang makasalubong si Clean na ngayon ay pataas na sa sariling silid nito. Hindi ito kumibo ng magkasalubong sila kaya nakahinga siya ng malalim.
Nang marating niya ang unang palapag ay nagtaka siya dahil masyadong abala sina Mang. Gaspar.
"Oh dear youre home? Since when? Mahigpit siyang niyakap ni Nema.
"Ah kanina pa"
"Really? Youre aunt Silva just came a while ago. Akala ko hindi ka pa nakauwi kaya hindi ko na inabala pang tignan ka sa kwarto mo.
"No its fine mah" tugon niya rito. Sa totoo lang ay ayaw rin niyang makisalamuha rito kaya buti nalang ay walang nakakita sa kanya kanina. "I'm just gonna grab some food"paalam niya rito saka dumeretsong kusina.
"By the way dear. Still hanging out with Windson? May pagkapilyong tanong ng ina sa kanya habang may inililigpit na mga basket sa wooden table.
Mah! Hes Gay! Okay!? Natatarantang baling niya sa ina sabay pasok agad sa kusina.
Truth is may alam ang ina niya sa nararamdaman niya sa binata kaya ayaw talaga niyang iharap ito sa kanya dahil baka maungkat nito ang bagay na iyon at ayaw niya iyong mangyari.
"Still shy to admit it! Or hes not really Gay and you two are officia-
"Mah! Bago pa man masabi ng ina ang huling sasabihin ay agad na niya itong pinutol at saka dali-daling umalis sa kusina na may dala-dalang pagkain.
"For God sake! Mahinang bulong niya sa sarili habang umaakyat ng hagdan patungo sa sarili niyang silid.