Papasok ba kayo sa isang sinehan ng mag-isa lalo na't kapag Last Full Show? Paano kung may isang babaeng nakaputi ang bigla na lamang tatabi sa sa inyo at bigla mo na lamang maaalala na siya pala ang white lady na nakikita at kinatatakutan mo. Tatapusin mo pa ba ang iyong pinapanood o tuluyan ng lalabas at huwag ng tapusin pa ang panonood? Tara! Maupo na sa malambot na upuan sa loob ng madilim at malamig na sinehan, dahil magsisimula na ang last full show... Ayaw mo ba siyang makasama?