Bukod sa mga bagay na mas mataas pa kaysa sa iyo, ang pangarap ay napakahirap ring abutin. Kailangan mo munang dumaan sa matinding pakikipagsapalaran bago mo ito maabot. Sa istoryang ito, hindi welcome ang salitang "pagsuko" dahil kung si Minori ang tatanungin mo, para lang sa isang talunan ang salitang 'yon at hindi siya isa sa mga ganoon. Minsan may mga pagkakataong natatalo rin tayo pero hindi iyon ang sapat na dahilan para sumuko kaagad. Ituring mong isang gantimpala ang iyong pagkatalo sapagkat kung hindi ka makararanas ng pagkatalo, hindi ka magiging isang magaling na manlalaro. Subaybayan ang matinding pakikipagsapalaran ni Minori sa larangan ng Game of the Generals upang makamit ang kanyang inaasam na tagumpay.
4 parts