Ranked #39 in Romance Hahaha kaya ba ayaw mong mag seryoso? Kasi natatakot kang maiwan? Nakangating sambit niya pero alam mong seryoso siya. Mali naman siya eh kaya kong mag seryoso pero ang hindi ko kaya ay ang mapalapit ng sobra sa taong hindi ako sigurado kung nasa tabi ko ba hanggang sa huli. Ngumisi ako sa kaniya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya yung tipong gumalaw ka lang ng mali mag lalapat ang labi namin. Nakita ko naman kung pano siya magulat pero naka tingin lang siya sa mga mata ko. Mali... hindi yan ang kinakatakutan ko. Pag katapos kong sabihin mismo yun sa mukha niya tuluyan na akong tumayo at iniwan siyang walang imik. Kung siya talaga malalaman niya rin yun. Yun ay kung siya talaga.