Hindi sapat ang 100 percent na grade para sa taong tulad ni Farah Espineli. Isa siyang perfectionist na gusto lahat ay perfect! Hindi nageexist sa list ng popular quotes niya ang "Nobody is perfect", ang nakalagay lang kasi sa list ng popular quotes niya ay 'yung "Nothing is impossible". Iyon na nga rin yung quote ng buhay niya eh! Smart. Brilliant. Intelligent. Iyan lagi ang puri ng mga tao sa kanya. Siya kasi 'yung tipo ng estudyante na perfect nga. 'Yung teacher's pet. Lahat nasa kanya niya pero hindi pa iyon sapat. Lumala na ang kondisyon na ito ni Farah hanggang sa isang araw, may isang tao na lang ang biglang umimik at nag-salita sa harap niya. "Alam mo? Matalino 'ka...pero bobo ka rin pala."