[Comedy/Fantasy] My name is Elias! And this is my world. Wait a minute, bakit ba ako nag-iinglish? At papaano nga ba ako napunta sa lugar nato???? Siya si Elias. Isang lalaking nangangarap na maging isang mandirigma o kaya naman ay magkaroon man lang ng kabuluhan ang kaniyang buhay. Pinapangarap din niya na sana ay magkaroon man lang ng anghang ang nakakabagot niyang mundo. Isa yata siyang blackbelter taekwondo pero hindi yata niyon kayang mawala ang kaniyang nakasasawang pabalik balik na pinagdadaanan. Pero papaano kapag nagising na lang siya bigla sa isang lugar na hindi niya inaasahang mangyayari pala sa totoong buhay niya. Na ang pag-aakala niya ay sa pilikula lamang nangyayari. At... At... At... At mukhang hindi lang yata basta basta lugar ang kaniyang napuntahan sapagkat tila panahon din iyon ng mga 'di pangkaraniwan na nilalang. Gumagapang, nangingisay, at naagnas na ang pigura ng mga ito at ang pinakamabigat sa lahat ay ang kakayahan ng mga ito na kumain ng laman ng taong buhay. Sa paraang iyon ay doon sila nabubuhay at patuloy ang kanilang pagdami. Subalit hindi lamang yata iyon ang makakalaban niya sapagkat may mga nilalang din doon na may pambihirang kakayahan, lakas at kapangyarihan na kayang kitilin ang buhay niya sa isang iglap. Si Elias ang isa sa mga dahilan ng pagkagalit ng mga ito at ang kanilang layunin at kaligayahan ay ang putulin na ang kaniyang buhay, subalit paano nangyari iyon? Bakit siya tila kilala? Gayong hindi naman siya nabubuhay sa panahong iyon! Alamin... Me at the Zombie Apocalypse? ©Zachidchan
9 parts