Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakapunta si Lara sa mundo ng mga engkanto. Sa isang iglap ay naging Prinsesa siya at nakatakdang ipakasal sa Prinsipe ng kaharian ng mga Gin. Walang magawang ginampanan nalang niya ang pagiging prinsesa dahil nanganganib ang kanyang buhay kapag nalaman ng mga ito na isa siyang tao. Sa paglipas ng mga araw ay unti-unting napamahal sa kanya ang kaharian pati narin ang prinsipe. Nakapagpasya na sana siyang manirahan na lamang doon ngunit dumating ang araw na maaari na siyang makabalik sa mundo ng mga tao. Iiwan ba niya ang prinsipe o tuluyang maninirahan doon kasama nito? at paano kapag nalaman ng mga Gin na isa siyang tao? ano ang mangyayari sa kanya.
3 parts