"Magandang binibini, maari bang magpayong ka't baka ika'y magkasakit?" aniya isang mababang boses. Pang-lalake. Napalingon ako sa nagsalita sa pagkagulat. Ngumiti ka sa akin sa unang pagkakataon. Pinaghalong sinceridad at pagka-aliw ang nakikita ko sa iyong mukha. Sa araw na iyon, ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng Wika sa iisang araw. Sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi mo sinambit iyong mga katagang iyon. Napatigil ako't nagdikit ang aking mga kilay. Napanganga ako saglit at lumaki ng bahadya ang mga mata ko. Pero nagpapasalamat din ako. Sa mga iglap ng bawat segundong iyong nakilala't nakakasama kita. - Kai and her journey to find her ginoo