Carissa Marie, mula sa probinsya ng Azarcon, ay napilitang mamuhay sa kamaynilaan kasama ang pamilya niya dahil sa pagkaka-baon sa utang ng kaniyang mga magulang kay Mrs. Alcoriza. Kahit kailan ay hindi pinangarap ni Carissa na sa Maynila tumira, ang tingin niya sa bawat tao rito ay matapobre at may masamang ugali kaya't hindi niya alam kung paano siya mamumuhay rito at kung kaya niya bang pakisamagan ang mga taong makikilala niya. Gusto niya mang manatili sa Azarcon ay wala siyang magawa dahil nakapag-desisyon na ang magulang niya. Ang tanging nasa isip niya lang ay ang pag-tulong sa mga magulang niya na makapag-bayad ng utang upang makabalik kaagad sa bayan nila. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang bagong mundo na may mga bagong kailangan kasanayan.