"SABI NILA" Sa bilyon-bilyong tao sa mundong ito may taong nakalaan para sayo. Maaaring nakasalubong mo na siya kaso hindi nagtama ang inyong mga mata. Nakasakayan sa pampasaherong jeep at bus, nakatabi mo sa waiting shed at napatingin sa gawi mo pero saktong napalingon ka naman sa ibang direksyon. Nakasabayan mong bumili sa maliit na grocery pero hindi mo napansin marahil abala ka sa pamimili. Ngunit kapag tama na ang oras o nasa tamang puwesto na ang kamay ng orasan para sa iyong kapalaran. Kusang lalapit ang pag-ibig na sa iyo'y Nakalaan. "Sabi ni BLAH.. BLAH..BLAH..Hayy nako!.. Siguro para sa ibang tao totoo yan pero para sa akin. lahat naman iiwan at sasaktan ka. Pag tumagal magsasawa din at biglang mang-iiwan sa ere. That's the reality!" "Buti pa yung mga guy sa mga binabasa kong novels, pocket book at wattpad doon ka lang talaga makakakita ng tunay na ideal guy at higit sa lahat doon ako sumasaya. Nakakalimutan ko ang lungkot at mapanakit na mga tao sa mundong ito. Bitter na kung bitter!!. But i don't believe in true love. Siguro kapag pumuti na ang uwak o kaya naman mag-exist ang isang fiction character sa libro".
5 parts