Sa pamamagitan ng isang lumang orasan-na siyang iniregalo ni Charlie Janairo kay Prinsesa Marxia ay napadpad ito sa isang panahon. Kung saan nakita niya ang sarili niya na isang malupit na reyna ng kahariang Egeskorv. Mula roon ay nadiskubre niya ang labis niyang inibig ang isang lalaki na nangangalang 'Argus'. Sa labis na pagmamahal niya rito ay maraming napahamak hindi lamang ito maging ang iba pang mga tao sa paligid niya. Naging sakim siya sa lahat ng bagay lalo na sa pagmamahal sa panahong ito. Nang muli siyang siyang makabalik sa kasalukuyang panahon ay tila isang panaginip lamang ang lahat ng nakita at naranasan niya sa panahon kung saan siya napadpad. Ito'y isinilbi na lamang niya na isang babala para sa mga magiging desisyon niya sa buhay. Kasabay ng pagbabalik niya sa tamang panahon ay siyang pagkawala rin ng orasan at hindi rin maalala ni Charlie na binigyan daw siya ng ganoong bagay. Kaya, ang pinakatandaan niya ay ang h'wag iibigin ang lalaking labis daw na inibig niya na siyang nalimutan na niya ang ngalan ngunit ang mukha nito ay hindi nabura sa isipan niyan. Sa pagtungo niya sa bansang Pilipinas upang ipagpatuloy ang pag-aaral ay akala niya ay mapipigilan niya ang mga nakatakdang mangyari na siyang nakita na niya. Ngunit hindi... Sapagkat ang tadhana ay pinagtagpo pa rin sila ni Argus. At sa pagkakataong ito. Ay ito ang umiibig sa kanya. __