Ako siguro yong babaeng hindi pinalad magkaroon ng magandang lovelife. May dumarating naman pero agad din akong iiwan ng walang dahilan,kasi nga hindi sila ang tamang tao para sa'kin.Hindi rin ako nakakasiguro kung may tamang tao pang nakalaan sa akin. Hindi naman ako disperada.Gusto ko lang makilala ang taong makakasama ko hanggang sa huling paghinga. Malay nyo. Sa edad kong disesyete matigok agad ako,edi hindi ko na nakilala ang future husband ko na mala Jeydon Lopez o kaya katulad ni Deib. Ayaw kong aksayahin ang opportunity na 'yon.Kaya hanggat maaga pa hinahanap ko na si Mr.right na magpapatibok sa puso kong wala pang ibang nagpatibok...It's just a joke. Bigla ko kasing naalala na noong elementary days ko meron akong kaklaseng ubod ng guwapo at sungit pero nagawa nyang kunin ang atensyon ko at sa ganong edad ko lumandi agad ako. Crush ko sya...slight lang No.Na-love at first sight talaga ako nong panahong yon. tama na ang kaemehan... Samahan nyo akong kilalanin ang kakambal ni Jeydon at Deib na pinapangarap ko..... at basahin ang DIARY ko -Ayethea Yakashi at your service😘😘