"Kahit kainisan mo pa ako, sa akin at sakin kalang mapupunta" Hindi mawala sa utak ng binata ang bawat sinabi sa kanya ng dalaga. Isang napakawierdo na dalaga? Bakit doon pa siya mapupunta kung marami naman ang naghahabol sa kanya? Kahit ipangako niya pa kay kamatayan na hindi niya magugustuhan ang ganoong uri na babae ay talo parin siya ng kanyang puso nang siyang tumitibok at unti-unti ng nahuhulog para sa dalaga.