SEQUEL OF THE NOVEL 'INOCENCIA' (FROM THE 'ONE WORLD EMPIRE' SERIES) Nahanap ni Ino ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na katauhan at kung paano siya napadpad sa taong 2993 mula sa pinanggalingang Spanish Colonial Era noong 1893. Ngunit humarap si Ino sa mga pagsubok kung saan napamahal sa lalaking trumaydor sa kanya. Nang malaman ang dahilan kung bakit siya muling binuhay ng isang Secret Society, dito niya sinubukang pabagsakin ang gobyernong umaalipin sa mga Pilipino sa ilalim ng Emperial China ngunit nabigo siyang mapatay ang presidente at makuha ang kapangyarihan. Sa bagong yugto ng kanyang pakikipaglaban, nawala muli ang kanyang alaala matapos ang Civil War na "Cetral Manila War" taong 2995. At ang bagong misyon ni Ino: hanapin ang ilan pang kasamahan noon sa Katipunan na kanyang binuo, ang Ultima. Sa paghahanap ay muli niyang makakaharap ang dating lalaking minahal ng lubos at sa huli, hindi lang ito ang balakid sa tagumpay kundi ang sarili at ang mismong kakampi.
29 parts