What if bitiwan ko sya? What if I let him go? What if hindi na sya bumalik? What if he found someone new? What if, andaming "what if" sa buhay natin. Pero isa lang naman talaga ang dapat na tanong eh. Are you really happy? Ito ang kwento ng isang dalagang nagmahal ng tapat sa lalaking hindi naman siya talaga deserve nito. She's worth more than how he sees her. Isang lalaking pinangarap niyang makasama sa dambana at kasabay na mangangako sa harapan ng Diyos. Isang lalaking bigla na lang nang-iwan sa kanya sa panahong hindi niya inaasahan. Maraming tanong na naiwan sa isipan niya ng biglaan siyang iwan nito. Samahan n'yo ako at sabay-sabay nating subaybayan ang kwentong magbibigay linaw sa mga "what ifs" natin sa buhay.