Magkababata sina Patrick at Valerie pero nagkalayo sila sapagkat kinuha si Valerie ng mga taong hindi nakikilala upang sanayin ito sa pakikipaglaban para maging isa sa mga miyembro ng five beawulf. Lumipas ang labinlimang taon, nakaharap nila si Liutenant Patrick Sarmiento na matindi ang fighting spirit na mapupuksa ang grupo ng mga assassin's na kilala sa tawag na five beawulf. Ilang beses na silang nagkasagupa ngunit nakilala niya ang binata na labis niyang ikina-alarma. Napakahirap sa kanya ang patayin ang binata lalo pa at gusto sa kanya ipapatay ng kanilang pinuno ang pulis na kumakalaban sa kanilang adhikain. Ilang beses na rin niyang iniligtas ang binata ng hindi siya napapansin ng kayang mga kasamahan. Pinipilit niyang huwag pansinin ang binata ngunit hindi niya kayang paglabanan ang isinisigaw ng kanyang puso. Ano ang kanyang gagawin kung naiipit siya sa kanyang misyon at ang paghadlang sa kanila ng lalaking hindi niya aakalaing mamahalin niya ng lubusan. Halikayo at samahan ninyo ako na tuklasin ang hiwaga ng nakatadhanang pagmamahalan ng dalawang magkaibang pinagmulang angkan. Trivia: Ang forbidden love ay hango sa korea novela na ginawan ko ng sarili kong version. Sana po magustuhan ninyo. Ang pang-anim na obra ko ang "Forbidden Love (adaptation)".