Bumilang ka ng sampu, bawasan mo ng tatlo Sino sa kanila ang panglito? Isipin mo, sino nga ba ang tunay na nasa peligro? Ang nagligtas ngunit ang nawawala? O ang humahanap ngunit walang napapala? ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Elicea Kirelle De Luna, isang babaeng maikli ang pasensya ngunit may matinding kagustuhang ipagtanggol ang mga inaapi, kung kaya't madalas nadadawit sa mga away at gulo sa kalsada, maibigay lang ang nararapat para sa mga taong nakapaligid sa kanya. Magbabago ang lahat ng ito sa pagdating ng tiyuhing kakambal ng kaniyang ama, tila ba mas guguluhin pa nito ang buhay niyang kumplikado na bago pa man umalis sa puder nito. Uungkatin rin nito ang sikretong matagal nang ikinukubli ng pamilya nila at ang biglaang paglalaho ng ama sa 'di malamang dahilan. Sa paghahanap ng kasagutan, masasagupa niya ang pitong taong may kinalaman sa gulong pinasok ni Elliana. Mga taong may mahahalagang papel na maaring bumago sa pagtingin niya sa mundo, at sa kung sino rin ang nagbabalak na kitilin ang buhay ng kaniyang ama. El Numero Peligro A Novel by urupsychE_ ©2022
1 part