Mga liham na isinulat ni Emma para sa kanyang minamahal na si Draken. Mga katagang hindi magawang sabihin sa harap nito kaya idinaan na lamang sa pamamagitan ng pagsulat. At sa bandang huli si Mikey na tanging tao na nakakaalam na may pagtingin ang kapatid niya sa kanyang kaibigan ang magiging paraan upang mabasa ito ni Ken dahil hindi magawa ni Emma na aminin ang kanyang nadarama sa harap ng minamahal niya.