Ang pangunahing layunin ng salawikain ay ang pangangaral o kaya'y ang pagsabi ng katotohanang hindi mapasusubalian na maaaring maging gabay sa pamumuhay, patnubay sa pakikipagkapwa at suhay sa pakikilaban sa karahasan ng buhay. Mga tumpok na mapupulutan ng aral.