Kung mabibigyan ka ng isa pang pagkakataon para mapatunayang nagbago ka na, kukunin mo ba? Isang architecture student, ex-convict, ulirang ina, atehistang vlogger, pastor at isang detective ang maghaharap harap sa isang simbahan dahil sa 'di inaasahang pangyayari. Makukulong sila sa loob ng katedral ng Sta. Felicidad dahil sa pagtatago sa mga nilalang na kumukuha ng kaluluwa 't katinuan ng tao. Bakit sa lahat ng taong magkikita kita ay sila sila pa? Pinagtagpo ba silang lahat upang subukin ang paniniwala ng bawat isa, O may higit pang dahilan na di pa nila nakikita? "Huwag mong sabihing alam mo na ang lahat, dahil iyan ang pinagmumulan ng ikinapapahamak ng tao, ang akalaing kabisado na niya ang bawat likuang daan at baho ng kalsadang kanyang ginagalawan."
3 parts