Elizeah Ysha Roehael, 17 taong gulang. Maganda pero mangmang, nag mula sa isang mayamang pamilya.
Ngunit sa murang edad ay nawalan ng magulang dahil sa isang trahedya, trahedyang bumago sa kanyang buhay.
"Lumayas ka na! Hindi ka nararapat dito! Dahil sayo mawala ang aking kapatid! Wala kang kwenta! Malas! Malas ka sa buhay namin! Nasira lahat dahil sayo!" malakas na sigaw ng aking tiyuhin, nakita ko naman ang aking tiyahin at ang aking mga pinsan, nakatingin sila, tila nanonood nang isang pelikula.
Sila ang aking pamilya... Ngunit pamilya ba talaga silang matatawag? Para akong hayop na kanilang tinataboy, kinamumuhian ko sila. Lalong lalo na ang aking lolo't lola. Wala silang paki alam saakin, kahit na saktan pa ako nila tiyo, tiya at ang kanilang mga anak.
"Ano pang hinihintay mo?! Lumayas ka! Ayoko ko nang makita pa ang pagmumukha mo sa mansyon na ito! Kahit mamatay ka pa! Isa kang malas!" muling sigaw ng aking tiyuhin, nakita ko naman ang aking tiya kasama ang kanyang tatlong anak na nakangisi. Nais nila akong mawala dahil mapupunta sakanila ang mansyong ito pag nawala na ako. Ang mansyong ito ay pagmamay-ari nang aking ama. Ako dapat ang may otoridad dito at hindi sila. Pero wala akong magawa, hawak hawak nila lahat sa kanilang mga kamay.
Tumayo ako at dinampot ang aking bagahe. Mga walang hiya! Papatalikod na ako ngunit muli ko silang sinulyapan. Ang aking tiyo naka tingin saakin ng masama, ang aking tiya naman at naka ngisi, ngising mapang asar, naka tingin siya saakin na para siyang panalo sa iyang paligsahan--
.
.
.
.
--napaka panget! Pwe! Ang papanget nyo! Yuk! Pano ba kasi nagkaroon nang gantong tiyo't tiya tong si Elizeah! Ang ganda ganda nya tas yan sila?! Napakapapanget! Pweeeeeee! Nakakadiriiiiiiiiiii! Nakakasukaaaaaaaa!
This book is originally published way back 2022.
Republished: 02/04/24
Started: June 2, 2022
Ended: -
Everything started when the notorious troublemaker Benj Ferrera came back to school after months of being hospitalized due to a car accident and met his number one hater, Rael Villarin, who had been hired by his mother to be his tutor for the school year.