"Ikaw na ang itinakda na makatulong sa aking tiyo," Saad ng matanda kay Miles, pagkatapos ay tumalikod ito palabas. Napakunot-noo na lamang si Miles at napatayo sa pagkakaupo. Sinundan niya ang matanda. "Sir! Sir!" Tawag pa niya sa matanda, lakad-takbo ang kaniyang ginawa para maabutan ito. "Sir! Anong i-ibig sabihin na makatulong sa iyong tiyo?" Hinihingal na ngayon si Miles, hindi niya akalain na mabilis pala maglakad ang matanda kahit may sungkod na ito. Napaharap ang matanda at napaayos ng kaniyang sombrerong itim, "Ako si Francois. Ikaw ang aking unang nakutuban na makakatulong sa aking tiyo. Pagsapit ng ika-labing tatlong araw sa biyernes, magbabago ang daloy ng iyong buhay. Adios!" Ano kaya ang nakaabang na kapalaran kay Miles?