Pinalaki ako sa isang isla at pinaniwalang ang tagapagligtas namin ay mga bampira at ang sambahin sila ay pangkaraniwan lamang. Sinasabi ng magulang namin na sa lugar ng mga bampira, magiging pinakamaligaya kami. Ako si Shira, isa sa mga tao na pinalaki sa isla na isa pa lang tinatawag na 'Farm o Bukid' kung saan pinalalaki ang mga katulad kong sakripisyo at ang maging pagkain at inumin ng mga bampira. Si Xander, ang bampirang inakala kong magiging asawa ko, mamahalin, at sasambahin, na siya ring magbibigay sa 'kin ng kasiyahan ay siyang nagdulot sa 'kin ng impiyerno. Niloko kami ng magulang namin, maging ang mga bampirang mabubuti ay walang katotohanan. Dinala nila kami sa impiyerno para magsilbi sa mga kasuklam-suklam na bampira. Pero ang lalaking nakakuha sa 'kin at ninanais kong mamatay ay magbabago ng pakikitungo dahil sa isang sumpa na nagpawala ng alaala niya, at iyon ang kukunin kong oportunidad para makalaya sa kamay niya bago pa bumalik ang alaala niya.