Every persons had their own point of views kaya minsan nagiging magulo ang kwento dahil rito, darating sa puntong magigising ka na lang isang araw na hindi mo na alam kung sino ang paniniwalaan mo. Bawat tao ay may iba't ibang pakay, buhay at testamento, mga testamentong hindi nalalayo sa tunay na kwento ngunit paano malalaman ang tunay na kwento kung ang susi tungo dito ay nakabaon na sa malalim na parte ng lupa. Isang krimen ang naging ugat sa lahat ng pangyayari, isang krimen ang naging dahilan upang mabuhay ang mga sikretong matagal ng naka baon, isang krimen na nagtulak sa isang dalaga upang ungkatin ang nakaraan at siya ring magiging susi para sa mga misteryong nakabalot sa buhay ng isang ng NATHIAH SABRINA MONTENEGRO