Limang taong gulang si Lyra nang makilala niya sa gitna ng buhay at kamatayan ang isang lalaking tila anghel sa walang hanggang kadiliman ng kagubatan ng Forbidden Forest. Nagkatitigan sila nito, parang huminto ang takbo ng oras, nakalimutan niya maging ang mga bampirang humahabol sa kanya at plano siyang patayin. Si Crescent, ang taong-lobo na may pilak na buhok, may asul at gintong kulay ng mga mata. Plano siya nitong palakihin bilang isang prinsesa, pero pinili niyang maging tagasilbi sa pamilya nito, isa siyang mortal at isa 'tong imortal, akala niya iyon lang ang pagkakaiba nilang dalawa, akala niya rin isa lamang 'tong pangkaraniwang prinsipe na may mala-anghel na hitsura, hindi niya akalain na marami 'tong lihim na hindi niya aakalain na ang pinakamabuting nilalang sa kanyang paningin ay kinamumuhian at kinatatakutan dahil sa lihim ng mga mata nito.