Sa isang maliit at tahimik na Baranggay sa probinsiya, nagkrus ang landas ng isang dalagang nagngangalang Monique Cervantes na may espesiyal na abilidad at isang lalaking mahiwaga na maituturing niyang kaaway. Sa una, puno ng takot at pag-aalinlangan ang puso ni Monique sa lalaking misteryoso, subalit habang sila'y mas nakakilala sa isa't isa, unti-unti niyang natuklasan ang kabutihang loob ng lalaki at naging malapit silang magkaibigan. Sa panig naman ng lalaki na siyang isang prinsipe,nabibighani na siya sa kagandahan ng dalaga sa una palang at pinipilit niyang ipakita dito ang kabutihan ng kanyang puso. Ngunit may mga balakid at mga panganib silang kakaharapin,maihayag lang ng isa sa kanila ang pag-ibig na nadarama para sa isa't isa.Sa huli,mapagtatagumpayan kaya nila ito sa kabila ng mga hamon na kanilang hinaharap?