Akala ni IRENE ay habangbuhay na magiging masaya ang married life niya sa asawa niyang si Hayden. Ngunit nang umusbong ang pagdududa niya na may iba itong babae ay doon na unti-unting gumuho ang mala-fairytale niyang kwento. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Ronan--isang lalaki na nagbigay ng atensiyon kay Irene na hindi niya na nakukuha sa kaniyang asawa. Hanggang isang umaga, nagising si Irene sa isang kwarto at katabi niya ang walang buhay na katawan ni Ronan. Wala siyang maalala sa mga nangyari sa kanila ni Ronan sa nakaraang gabi. Sa takot at kalituhan ay humingi siya ng tulong sa kaibigang si Astrid. Tinulungan siya nitong itago ang katawan ni Ronan upang hindi magkaroon ng imbestigasyon. Akala ni Irene ay matatakasan na niya ang "multo" ni Ronan ngunit biglang umeksena ang kapatid ni Ronan na si Kelvin na gagawin ang lahat upang malaman nito kung nasaan si Ronan at ano ba talaga ang totoong nangyari rito. Mapapatunayan nga ba ni Irene na inosente siya o sadyang may kinalaman siya sa krimen na nangyari ng gabing iyon?