Sino ang may kasalanan? Sino ang dapat sisihin? Sino ang may alam sa katotohanan? Kilala si Eunice bilang isang mayabang at ma-attitude na estudyante. Ngunit isang araw, nabalitaan na lang ng kanyang mga kaklase ang kanyang pagkamatay. Natagpuan siyang nakabigti sa isang matandang puno ng Balete at hindi sigurado kung nagpakamatay nga ba siya o talagang may pumatay sa kanya. Matapos mamatay ni Eunice, hindi inaasahan ng magkakaklase ang mga mangyayari sa kanila. Sa likod kasi ng kamatayan niya, may isang sikretong pilit na itinatago ng bawat isa sa kanila. Malaman kaya ang katotohanan sa totoong dahilan ng kamatayan niya o mananatili na lang tikom isa kanila?