Minsan, sa pagsisinungaling at sa pagpapanggap nabubuhay ang isang tao. Madalas ang dahilan kung bakit ginawa nila iyon ay para magkaroon ng maraming kaibigan, at maraming magtitiwala sa kanila. Pero tama nga bang gawin iyon? Si Alyanna na araw-araw nagsisinungaling at nagpapanggap sa harap ng kaibigan niya na isa siyang anak ng isang mayaman. Ginawa niya iyon para hindi siya pagtatawanan ng mga kaklase niya at kaibigan. Ginawa niya iyon para hindi siya lalayuan ng mga ito. Hanggang kailan kaya magpapanggap si Alyanna na anak siya ng isang mayaman? Hanggang kailan siya magsisinungaling na nakatira siya sa napakalaking bahay at araw-araw nakasakay sa isang engrandeng sasakyan? At hanggang kailan niya matatanggap na palaging tuyo lang ang kanilang ulam, at isang janitor lang ang kanyang ama? Palagi ba talagang nasa huli ang pagsisisi?