Kahit gaano pa kataas 'yang standards mo sa lalaki, kung gagagohin ka ni Kupido, wala ka talagang magagawa. Si Zephyrine ay isang babaeng may matayog na pamantayan pagdating sa pag-ibig. Kilala siya sa kanyang talino, ganda, at karisma na hinahangaan ng marami. Madalas siyang napapaligiran ng mga kalalakihang handang gawin ang lahat para makuha ang kanyang atensyon, ngunit kahit ganoon, mataas pa rin ang kanyang mga pamantayan. Marami siyang naging flings na hindi siya makalimutan, patunay na siya ay isang di-malilimutang karanasan. Isa sa mga naging malapit sa kanya ay si Xerxes, isang lalaking halos perpekto at pasok na pasok sa kanyang mga standards. Siya ay matalino, may ambisyon, at higit sa lahat, may tunay na malasakit kay Zephyrine. Ngunit sa di-maipaliwanag na dahilan, tinanggihan ni Zephyrine si Xerxes. Mas pinili niya si Issacar, isang lalaking may pagkabata ang ugali, immature, at walang malinaw na direksyon sa buhay. Sa kabila ng kanyang mga pamantayan, nakuha ni Issacar ang puso ni Zephyrine. Hindi ito lubos maintindihan ng mga tao sa paligid niya, lalo na ng kanyang mga kaibigan na pawang alam ang kanyang mga pinapangarap. Ngunit ganoon talaga si Kupido; kung minsan ay naglalaro siya sa mga desisyon ng puso. Lumipas ang panahon, at napatunayan ni Zephyrine na si Issacar ay hindi nagbago. Nanatili itong immature at walang direksyon, bagay na nagdulot ng maraming sakit ng loob kay Zephyrine. Sa huli, si Zephyrine ay kailangang mamili. Sino nga ba ang karapat-dapat para sa kanya? Si Issacar ba o si Xerxes na tawag ng kanyang mga kaibigan ay "the man of her dreams"?