"Makukuha din kita, Ms. Patricia." Bitaw ng salita ni Freem sabay kindat pa. Siya yung lalaki na sa lahat ng babae ay bentang benta. Sa gwapong mukha ba naman niya ay talagang makukuha ka. Kaya lang hindi siya seryoso sa lahat ng mga nakarelasyon niya. Yun ay dahil babaero siya. Paano pag dumating yung araw na maisipan ng dad niya na ipakasal siya sa babaeng hindi niya pa nakikilala? Para lang iwan niya ang masamang gawain niya. May pag-asa pa kaya na magbago siya? Kung sino man ang babaeng magpapabago sa kanya ay ang swerte niya.