Dahil sa pagpipilit ng kanyang lola na makapag patuloy siya ng college kahit wala naman silang pera. Lumuwas ng manila si ALEXANDRA, para mag try out sa volleyball team ng isang tanyag na eskwelahan ang Xavier University, maswerteng nakapasok siya bilang eskolar ng eskwelahan. Dahil sa late siya sa practice nila, ang parusa sa pagiging late ay ikutin niya ang oval ng eskwelahan at isang aksidente ang nangyari para mag krus ang landas nila ni Kristofferson Smith ang 4th times MVP ng Basketball Team ng Xavier.