Akala ko tapos na, akala ko naka move on na ako. Pero bakit ganito? Sobrang sakit every time na nakikita kita. Ganito ba talaga ang ganti mo sa akin? Na araw araw nalang ay saktan itong puso ko at durugin mo ito ng unti unti? Bakit ganito? Ikaw nakaahon na sa sakit na ginawa ko sayo pero ako naka stuck parin sa sakit na narito sa puso ko.