Oo matalino siya, mabango, mayaman, sikat, at higit sa lahat, GWAPO. Lahat ng katangi-ang hahabulin ng mga babae ay nasa kanya na. Nese kenye ne eng lehet! Lalong lalo na’t galing pa siya sa pamilya ng mga “RAMOA” na may malaking impluwensya sa bansa.
Pero sino ba talaga siya?
Siya ay masungit, maangas, hindi ngumingiti, palamura, basagulero, walang sinasanto, walang nirirespeto, at nakalimut na sa salitang “LOVE”.
Pero pano kung makilala niya ang isang taong baliktad niya? Yung tipong parang baliw na ngingiti sa isang tabi, tatanga tanga, isip-bata, masiyahin, disgrasyada at punong-puno ng salitang “LOVE”…
May magbabago kaya?
Samahan natin ang adventure ni Scarlet, Sin, Nica, Ridge, Denzel, Dea, Patch at Kida sa isang merry-go-around na istoryang puno ng kacornyhan, nakakahawa ang kabaliwan at katangahan, nakakapagpa-iyak at makakapagpatawa kahit corny, at higit sa lahat, makakapa-in love sa mga mambabasa. :)
Cliché? Wala ng cliche2x! Dahil cliché man o hindi, bawat tao, may sariling kwento. ^_^v