Chapter 71

20.3K 552 59
                                    

Chapter 71: Nephew

Nang makarating kami kung nasaan ang iba, halos paulanin nila kami ng tanong.

"May humahabol kasi sa amin kaya tinapos na namin kaagad." Naupo ako sa tabi ni Darius, may kinakain siyang churros kaya kumuha ako ng isa.

"What? Someone's after you?"

Tumango ako. "Pero tapos na, kanina lang 'yon." Nagbaba ng mango shake si Harvey sa harap ko.

"Sa 'yo 'yan." Tukoy ni Harvey sa mango shake.

"Why? What did you do?" Nilingon ako ni Darius.

Napatingin rin ang iba sa akin, napatigil sa pagkain. Hinihintay nila ang sagot ko. Hindi ko pinansin ang mga tingin nila at kumain na lang.

"We had a little game," si Phoenix na nasa harap ko.

"Hala, anong game?"

"Well, someone's following us so we stopped in an abandoned building to play our game," sagot ni Phoenix. "And our game is—"

"Paramihan kami ng mapapatay." Ako na ang nagpatuloy, ang tagal niyang magsalita.

Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Parang hindi sila makapaniwala sa binitiwan kong salita. Si Darius, gulat ang matang nakatingin sa akin. Sa bagay, ngayon pa lang yata nila nalaman na marunong akong humawak ng mga baril at nagagawa ko ang mga bagay na gano'n.

"Gago? Hindi nga?" Tanong ni Finn.

"Pucha, ikaw?"

"Ilan ang sa 'yo?" si Harris habang nakatingin sa akin.

"The fuck? Seriously?" Gulat na tanong ni Trevor.

Uminom muna ako ng mango shake bago sagutin ang mga tanong nila. "Anim lang, hindi ko napatay 'yong dalawa, e. Naawa ako bigla, magkapatid pa naman silang dalawa kaya hinayaan ko na lang. Nag-thank you pa nga ang kingina."

Para na rin sila ang maglinis ng mga katawan na nandoon sa loob ng building. Isa rin 'yon kung bakit hindi ko ginawa. Saka... tama na siguro ang nagawa kong 'yon. Sapat na, ang kailangan ko na lang malaman kung bakit ako ang trip nilang mga kinginang sila.

Atsaka, anong malapit na raw gumising si Lolo, pero saan? Saka, si Mama, alam niya kaya ang nangyayari kay Lolo kung mayroon man? Tapos ayaw pa nilang ipaalam kay Lolo na apo niya ako.

Ang daming ayaw sa kagandahan ko.

"W-What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Darius.

"Bakit ba parang hindi ka makapaniwala?" Tanong ko kay Darius bago tumingin sa mga kaklase ko. "Kayo rin."

"Hindi kasi kailanman pumasok sa isip ko na kaya mo pala 'yon gawin..." Lumingon si Arvin sa akin. "Pero paano ka natuto?"

"Ano ba 'yan, kailangan ko pang mag-story telling..." Kamot ulo kong sabi.

"Dali na! Ililibre ka ni Nix ng crinkles, ayon, oh." May tinuro si Finn sa harap. "May tinda silang crinkles."

"Bakit ako nadamay diyan?" Tumayo si Phoenix para lumipat sa tabi ko.

"Para kay Darlene naman 'yan, e," sambit ni Finn. "Mag-story telling ka na."

Hay nako! Pero sige na nga, tutal wala naman kaming ginagawa rito. Mga nakatanga lang kami. Hinihintay pa namin sila Gianna dahil mukhang hahabol, nabasa ko lang sa GC naming lahat. Oo, may GC na kami. Balak yata nilang manood ng sine, may pera ako kaya ako ang magbabayad para sa sarili ko.

"Ganito kasi 'yon, si Kuya talaga may dahilan kung bakit ako natutong humawak ng ganiyan. Kasi lagi niya akong sinasama sa training ground na sinasabi niya, wala kasi akong kasama sa bahay kaya niya ako sinasama pero si Papa nag-turo sa akin kung paano humawak ng gano'n." Kumain ako ng churros matapos magsalita.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now