KABANATA 14

7.4K 281 7
                                    

Pagkatapos nang usaping iyon ay nag paalam na rin siyang aalis na, kitakits nalang daw kami sa simbahan.





Sabi niya. “Paalam na, binibining Ysa. Magkita na lamang tayo sa simbahan.”





As if namang mag papakita ako sakaniya? Sabagay magkikita at magkikita pa rin naman kaming dalawa kahit ano mangyari psh.





Pero ako ay lutang na nag lalakad papasok sa mansyon, hindi ako maka-get over nung mag english siya!






“Call me whatever you want, my lady.”



“Call me whatever you want, my lady.”



“Call me whatever you want, my lady.”






Naging manly ‘yung boses niya real quick! Ewan ko pero nung narinig ko ‘yon ay parang may paro paro g sa tiyan ko.





Jusmeyo mahabagin!





Nag iba talaga boses niya non, iba pag nag english siya! Pucha ayoko na! Ayoko na talaga.





“Anak, ayos kalang?” tanong ni Ina.





“Ayos lang ako, ina.”





“Pumunta si Ginoong Joaquin dito, ang sabi ko ay nasa likod-bahay ka, nagka-usap ba kayo?”





“Opo, ina.”





Naramdaman kong hinawakan nito ang ulo ko. “Mukhang nagkaka mabutihan kayo ni Ginoong Joaquin ah?” ramdam ko ang pang-aasar sa boses niya.





Issue! Friends nga lang kami eh! Hmp.





“Ina naman! May mahal ng iba si Ej.” at si Hannah ‘yon, ang Female Lead.





“Ej?” taka bigla nitong tanong.





Bigla akong natigilan.




Ay nadulas.





“S-si Ej, si Elijah p-po.”





Kita ko naman na parang tinutukso ako ni ina gamit ang kaniyang mata. “Ang tawag niya sayo ay Ysa na tapos ang tawag mo naman sakaniya ay Ej?”





Gulat naman akong napatingin sakaniya. “Paano niyo po nalaman?” sinabi ba ni Elijah?! Hayop na ‘yon.





“Nag paalam dito si ‘Ej’ kanina.” napangiwi ako dahil diniinan niya yung Ej. “Ang sabi niya ay aalis na raw siya at nakapag usap na raw sila ni ‘Binibining Ysa’.”





“Ina!”





“Oh bakit anak ko? Bakit ka namumula?” ang lakas din pala mang-asar ng mama ni Isabella, kaistress!





“Wala po.” nakasimangot na sagot ko.





“Ang anak ko ay dalaga na.” ramdam ko talaga ang pang-aasar niya base sa boses at expression ng mukha niya!





“Dalaga naman po talaga ako.” nakanguso kong saad.





“Ano ang nangyayari riyan? Maaari bang sumali?”





Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now