PROLOGUE

31 3 1
                                    

"Kisses, please naman oh" nagmamakaawang sambit saakin ni Donny.

Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang kotse ko. Hindi kami pwede makita ng paparazzi, malaking issue 'to!!

Nang marating ko ang kotse ko, akma na akong sasakay ng hinarap ako ni Donny sakanya. Walang emosyon akong tumingin sakanya at tumitig sa mga mata n'ya, pinapakiramdaman ko ang paligid dahil baka mamaya may kumuha saamin ng litrato at magviral sa social media.

"Love naman, kung may nagawa ako please sabihin mo, hindi 'yung pinapahirapan mo akong humabol sa'yo oh" nanlulumong sabi n'ya. Wala akong naging reaksyon, hangga't maari ayokong umiyak sa harap n'ya. Nasasaktan ako dahil nasasaktan s'ya at ako ang dahilan kung bakit s'ya umiiyak ngayon.

"Pag usapan natin Love sige na please" umiiyak na sabi n'ya.

Umiling ako at tinalikuran s'ya, bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko ng sinara n'ya ulit 'yon, at niyakap ako patalikod.

Ninamnam ko ang mga yakap n'ya kahit hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Ito na ang huling yakap. Susulitin ko na.

Pinatong n'ya ang baba n'ya sa balikat ko at hinigpitan ang yakap saakin. Palihim kong dinadamdam ang mga yakap n'ya.

"Mahal na mahal kita" humihikbing saad n'ya saakin. Tuluyan ko ng hindi napigilan ang mga luha ko. Mga traydor!! Sabi ko wag tumulo hangga't hindi pa nakakapasok sa kotse!!!

"Ang sakit mo mahalin Kisses. Pero kahit ganon, lagi mong tatandaan na ikaw lang ang mamahalin ko sa habang buhay." Ramdam na ramdam ko ang luha n'yang tumutulo sa balikat ko at ang mga halik n'ya sa buhok ko sa may bandang noo. Napapikit ako at sumandal ang ulo ko sa ulo n'yang nakapatong sa balikat ko.

"Mahal kita pero tama na." umiiyak na sabi ko. Napalunok ako at tsaka kinalas ang pagkakayakap n'ya saakin, nagtagumpay naman ako at agad sumakay sa kotse ko. Doon ako umiyak ng umiyak, binubuhos lahat ng nararamdaman. Sakit. Galit. Pagmamahal.

Makasarili ang desisyon kong pakikipag break sakanya, pero masisisi n'ya ba ako?

Hindi ko kayang makita s'yang nahihirapan ng dahil sa pagmamahal n'ya saakin. Hindi kaya ng konsensya kong isipin na hindi n'ya maabot lahat ng pangarap n'ya ng dahil sa relasyon namin.

Balang araw mahal, papasalamatan mo rin ako, para sa'yo rin naman 'to e.

Balang araw, kung saan pwede na sana pwede pa....mahal na mahal kita, mahal ko.

🤟

Don't forget to follow my twitter account for updates and peak for upcoming chapters! And also don't forget to vote! Thank you!!!

Twitter: @UnxpctdDonKiss

HER GREATEST FIRST LOVEWhere stories live. Discover now