Chapter 4

1.3K 49 124
                                    

"Hanggang ngayon dre binabagabag ako non. Ano yon? Selos ba yon?"-tanong ko kay Josh.

"Gagi pre. Sabi nila ang tunay na ugali at opinyon ng tao lumalabas kapag lasing."-simple pero malalim na sagot ni Josh.

"So? You think he's really jealous? So you mean to say gusto niya rin ako?"

"Hindi. Hindi natin malalaman ang sagot jan until siya mismo magsabi right?"

"Ano por da chika kayo?"-sigaw ni Stell samin kasi magsisimula na ulit kaming magrecord.

Lumapit na kami. Si Stell ang mauunang magrecord.

I know he can do it within just one take. Halimaw boses ng bebe ko.

"Nice nice!!!"-sabi ni Pablo matapos kantahin ni Stell yung part niya.

Namangha na naman ako napakaganda ng boses ni Stell.

Sobrang full package nito eh. Napakaganda ng boses, ang gwapo, ang galing sumayaw.

Madali lang din namin natapos yung recording. Sa totoo lang minsan hinihiling kong magkapalpak palpak kuna kami para maulit ulit kami sa practice HAHAHAHAHAA.

Para you know di kami makauwi agad.

"Paaaal! May tiktok akong nakita. Tara?"-agad na aya sa akin  ni Stell.

Hindi ko na masyadong hilig ang magcreate ng tiktok vids eh. Pero isang aya lang nito ni Stell haaays.

Rupok mo, Felip.

"Lam mo pal, tapos ko na isulat yung Palayo"-kwento ko dito.

"Totoo ba???? Parinig ako??!! May raw recording ka na ba?"

"Meron kaso parang hindi ako confident enough."

"Bakit naman? Angas kaya ng vocals mo. Tsaka hello, bisaya pride!!!"-pagchicheer niya sa akin.

Iniabot ko kay Stell ang cellphone at agad pinarinig sa kaniya ang raw recording nung Palayo.

Pagkatapos niyang pakinggan ay bigla itong nag bow sa akin.

"Grabe ka na master."-sabi ni Stell.

"Baliw."

"Sayo. Charuuuut"

Totohanin mo!!! Puro ka charot hahahaha.

"Uwi ka na niyan?"-tanong ko pa sa kaniya.

"Oo. Mag aayos ako mga gamit. Por da decluttering ganern. Tulungan mo ko?"

"pass muna pal. naka oo na ako kina Arthur tsaka kina Adie eh."

"Ah. Baka maging PBA Player ka na niyan bukas?"-biro nito.

Naalala ko tuloy yung sinabi niya nung nalasing siya. Sabi niya non mag PBA Player na lang ako.

So ibig sabihin totoong yun ang nasa isip niya kapag maglalaro ako kasama sina Arthur?

"Pero pwede naman sabihin ko next time na lang."-bawi ko pa bigla.

Paano ko ba matitiis to?

Napakacute kapag nagtatampo.

Kung gusto mo nga sa condo mo na ako tumira eh.

"Hindi, oks na. Ask ko na lang si Pablo."

"Di nga? Oks na nga. Ito na ichachat ko na."

"Sure ka?"-biglang nagiba ang tono ni Stell.

"Oo nga."

Wala naman talagang aya sila Arthur kasi HAHAHAHAHAHAHAHHA

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now