Chapter 15

605 21 0
                                    

A/N: Short updates guys.

❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎

=Ella Pov=

Matapos ang laban kahapon ay pasok naman ngayon. *sigh* everytime na ganitong tamad ako ay parang gusto ko ng huwag na lang pumasok araw-araw.

Kaya lang, ilang months na lang naman graduating na kami. Isa pa, pag hindi ako pumasok ay wala silang makikitang cute na mukhang meron ako.

*Sigh*  Mahirap talagang maging cute."

"May na-nanaginip na naman ng gising." Sinamaan ko ng tingin si Mike dahil sa sinabi niya.

Masyado talaga siyang epal sa buhay ko. Parati na lang kontra sa mga sasabihin ko.

Minsan iniisip ko... Patayin ko na lang kaya siya ng mawala na ang malaking peste sa buhay ko.

"Uyyy unggoy! Nandiyan ka pala? Hindi kasi kita napansin, akala ko kasi nasa gubat ka at nag hahanap ng makakain." Sarcastic kong sabi at sinabayan ko pa 'yun ng plastic ng ngiti.

This time ay siya naman ang masama kung makatingin, at dahil hindi ako papatalo sa kaniya ay inirapan ko lang siya.

"Mag sisimula na naman po sila." Parinig na sabi ni Tony.

"Baka mamaya, magulat na lang kami. Kayo na pala." Segunda ni Amanda na nag palaki ng mata ko.

"WHAT?!/ IWWW." Sabay na sabi ni Unggoy.

Sinamaan ko tingin si Unggoy dahil sa sinabi niyang iwww. Like the heck! ako iwww?

"Hah! Mamamatay na lang ako kesa makatuluyan ko iyang unggoy na 'yan!" Singhal ko sak tinuro si Unggoy.

"At bakit, akala mo ba gusto kong makatuluyan ka? in your dreams!" Sabi ni Mike.

"like duh. Mas okay na ako kung si Baby Clurk ang makatuluyan ko kesa naman ikaw!,"

Bahagya akong nagulat ng makita ko ang galit, sakit sa mata niya.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano.

Mabilis kong pinikit ang mata ko bago muling tinignan si Mike sa mata... Pero wala... Wala na do'n ang nakita ko sa mga mata niya, ang Sakit at ang galit. Wala na.

Aishh. Baka nga namamalikmata lang ako. Oo tama, gano'n nga.

Nabalik lang ako sa wisyo ng mag salita si Amanda.

"Sinong Clurk ba ang tinutukoy mo, siya ba 'yung Clurk na kasama ni Klein Smith at kaklase namin?"

"To be honest yah. Alam mo bang nung na sa canteen kami nitong si Queen, ay dumating sila, tapos pumunta si Khate sumugod sa'min kasi tumawa ako ng malakas. At wahhhhhhh! Kasama niya do'n sila Clurk! Gusto ko sanang tumili kasi... wahhhhh tapos-----"

Natigil ako sa pag papantasya kay Clurk na malakas na sumarado ang pinto ng tambayan namin.

Nag katinginan kaming apat at sabay-sabay na nag kibit-balikat.

Si Papa Kurt kasi ay tulog. Si Queen naman ay naka earpods habang may librong hawak.

"Hindi kaya masira ang pinto dahil sa ginawa ni Mike?" Tanong ni Drea.

"No." Sagot ni Tony Rex sa tanong niya.

Bumuntong hininga naman si Drea Vilim saka pinag patuloy muli ang pag seselpon.

Ano kayang nangyari do'n kay Mike Lim?

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now