Wattpad Original
There are 3 more free parts

Chapter 4. River

1.2K 68 3
                                    


Sinadya niya akong paghintayin dito nang matagal. Napabuntonghininga ako nang malalim. River and his unending little pranks on me. Kababata ko si River. My father practically raised him like he's a family. He saw potential in him, pinag-aral ito ni Daddy at binihisan. He's the closest person to me. Nabibilang sa mga daliri ang mga taong acquainted sa akin. The reason was that the less people I knew, the less chance of getting secrets spilled. I have to be very careful now that we're getting closer to the end of the tunnel.

River Torrez was one of the country's most famous criminal lawyers. Sa kanya ko madalas nakukuha ang profile ng mga bida ko sa novel. This man was dark, mysterious, and very handsome. Sought after siya ng mga high-profile criminal sa bansa dahil sa de-kalibre niyang galing sa courtroom. Sumikat siya nang isa sa pinaka-sensational na kaso ng isang politikong nanggahasa at pumatay ng isang estudyanteng aktibista ang kanyang ipinanalo. Sa umpisa, walang pagtaguan ng baho si Cong. de Dios. Sumikat sa social media ang ginawa nitong kahayupan kaya kinamuhian ito ng mga tao. Lahat ng kalaban nito sa politika ay nag-fiesta na dahil alam nilang hindi na makakabangon pang muli ang congressman.

Until Defense Lawyer Atty. River Torrez took over the case. Matalino, gwapo, malakas ang kumpiyansa sa sarili, at alam na alam ang batas. 'Yon ang mga nakakatakot na kombinasyon ng isang magaling na abogado. Nagawa niyang baliktarin sa korte ang mga ebidensya; karamihan ay lumabas na circumstantial evidence lamang. Sinira ng abogadong ito ang kredibilidad ng biktima sa publiko. Sa huli, lumabas na sinadya lang ng biktima na i-blackmail ang congressman para sa pera. Napawalang-sala ang politikong iyon.

When I tried to ask River about the truth, he said he can't disclose client information. It's against the law. I knew right there that the congressman was indeed guilty of the crime charged. Magaling lang ang abogadong nagtanggol sa korte. Maraming butas ang batas. Para sa mga taong alam ang pasikot-sikot nito, mabilis lang na napapawalang-sala kahit pa ang pinakamababahong kriminal.

"What's up with the shirt and denim jeans? Wala ka bang kliyente ngayong araw, Mr. Engineer of Injustice and Lawyer of Satan from hell?"

"Whoa. Sandali lang naman. Baka may makarinig sa 'yo niyan," tumatawa-tawa niyang sagot. River Torrez has got the swagger of a ramp model. Simpleng paghawi nito ng buhok, mukha na itong nagpi-pictorial para sa isang brand ng clothing line o 'di kaya ay brand ng relo. Or shampoo.

Nanatiling seryoso ang mukha ko. "Sa tingin mo, nagdyo-joke ako?"

"Ano na naman ba ang ginawa ko?"

"Wala, may naalala lang akong ipinanalo mong kaso."

"Which case in particular? Lahat ng kasong hinawakan ko, panalo. Wala pa akong talo, Ms. Author of Psychopath Murderer Novels."

Umikot ang eyeballs ko sa kanya. Pinakitaan niya lang ako ng matamis niyang ngiti at mapupungay niyang mga mata na madalas niyang gamitin para ilagay sa ilalim ng spell niya ang mga judge lalo na kung babae regardless kung ano ang edad nito. Hindi niya ako madadala. Sanay na ako sa gwapong mukha ng lalaking ito na madalas may maitim na balak sa utak sa kabila ng maningning na mga mata. They say that eyes are the windows to one's soul. Not this man. His eyes were cheerful and kind, yet his soul was dark.

Meron lang mga iilang tao na pinapakisamahan niya nang maganda at kasama na ako roon. Hindi ko ma-imagine kung aabot ako sa puntong makakabangga ko siya. Tiyak na hindi ko nanaisin ang resulta niyon.

"So what do you want to eat? Dating gawi?" aniya.

Doon kami sa isang pwesto sa Guadalupe na puro buffet ng mga street food ang nakalatag. Masarap ang barbeque nila pati na rin ang betamax at tainga ng baboy.

The Dark Side of EveWhere stories live. Discover now