𝐱𝐯𝐢𝐢.

312 20 12
                                    

[ Kabanata 17 - Nakatakda? ]

Hindi lubos na akalain ni Miriam na sa mumunting parte ng malawak na kasaysayan ng Pilipinas ay mapapamahal siya nang tuluyan sa mga taong naging bahagi nito. Nang makarating siya sa panahong sa tingin niya ay wala siyang kalalagyan ay puro pag-aalinlangan at kawalan ng karunungan ang namuo sa kanyang isipan. Subalit habang tumatagal siya sa panahong ito ay mas natututunan niyang mahalin ang nakaraan ng bansa at bigyan ng importansya ang lahat ng mga ginawa ng mga Pilipino upang itaas ang bandila ng kalayaan ng bansa. Datapwa't sa dinami-rami ng mga pwedeng mangyari kay Miriam ay pag-ibig pa talaga ang lumapit sa kanya. Mula sa lalaking nasa likod ng lampara ay ngayon nama'y ang lalaking nagdala sa kanya ng bungkos ng bulaklak. Mula sa paring kanya lamang nabasa sa isang libro hanggang sa paring nag-alay ng kanyang buong puso sa kanya. Kanya bang ipagpapatuloy ang pagsunod sa kanyang nararamdaman o ilalayo ang kanyang sarili upang hindi masaktan nang tuluyan sa huli?....

Dalawang buwan na ang nakalipas nang mapadpad ako dito sa panahong ito ngunit hindi ko pa rin batid kung ano ba ang kahihinatnan ko sa buhay ng tatlong paring martir pati na rin sa mga nakakasalamuha ko sa kumbento lalo na si Dolce. Marahil ay masasagot ko lang ang aking sariling katanungan kung makakaabot ako sa dulo ng buhay ng mga pari.

Pero..... makakayanan ko ba?

Isa na marahil sa mga kinatatakutan ko kung ako mismo ang isa sa mga makasasaksi sa kahahantungan ni Padre Burgos. Maaatim ko bang masilayan ang kanyang mukha kapag malapit na siyang mamatay? Ano kaya ang madarama ko? Inis, galit, takot, pighati, awa, o wala?

Kakayanin ko bang siya ay pagmasdan nang hindi nadudurog ang aking puso? Makakaligtas ba ako na isiping ang isang tao na nagparamdam sa akin ng mga damdaming hindi ko kailanman naranasan sa mga lalaking dumating sa aking buhay ay mawawala nang ganoon na lamang? Handa ko bang isakripisyo ang lahat upang malayo lamang siya sa kapahamakan o hayaan na lang na ang tadhana na ang magdikta para sa kanya?

•••

Sa bilis ng mga pangyayari sa naging karanasan ko dito sa panahong ito ay hindi ko namamalayan na isang bagong taon na pala ang dumating at ngayon nga ay ikasampung araw na ng Enero, 1872.

Simula nang matanggap ko ang liham galing kay Padre Burgos ay mas lumawak pa ang aming koneksyon sa isa't-isa, kahit ito pa ay aming pilit na itinatago upang hindi kami magkaroon ng masamang imahe sa buong kabayanan. Kapag kami ay nagkikita ay doon palagi sa lugar ng mga magagandang bulaklak na tumatanaw sa Kamaynilaan. Napapansin ko rin na sa tuwing nakikita ako ni Padre Burgos na suot ang kwintas na iniregalo sa akin ni Padre Zamora ay bigla na lamang ito napapangiti sa kanyang sarili.

Kung si Padre Zamora naman ang pag-uusapan ay hindi na rin maitatanggi ang nabubuong pagsasamahan nila ni Dolce. Bawat araw ay binibisita niya ito sa kumbento at tuwing Linggo naman pagkatapos ng misa ay palagi silang magkasama upang magpunta sa Ilog Pasig.

Hindi na rin lingid sa kaalaman ni Dolce na mayroon na rin kaming pagtitinginan ni Padre Burgos kaya kung sino man ang bumisita sa isa sa kanila ay hindi namin napipigilan na mapatingin sa isa't-isa at matawa na lamang.

Abala kami ni Dolce sa paglilinis ng mga santo sa altar ng kumbento nang pinatuloy ni mongha Veronica ang dalawang pari. Nagtinginan kami ni Dolce bago ako bumati sa mga pari. "Magandang araw, Padre Burgos, Padre Zamora." Ibinalik naman nilang pareho ang aking bati ng mga ngiti. "Nagagalak ako na napadalaw ang mga pari dito sa ating kumbento..." Pagsisimula ni mongha Veronica na tila isang malaking bagay ang pagbisita nila.

"Siya nga pala... naparito ang dalawang padre dahil nais nilang hingin ang inyong oras para sa isang pamamasyal sa bayan." Dagdag ng mongha. Hindi kaagad pumasok sa aking isipan kung ano ang sinambit niya pero nilinaw naman ito ni Padre Zamora.

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Where stories live. Discover now