Chapter 2 - Ghost of her Past

2.9K 107 10
  • Đã dành riêng cho Yuina_
                                    


Chapter 2 - Ghost of her Past

Devyn

I can feel it again. This is also the reason why I don't want to come home. Sana kasi tinanggap ko na lang ang alok ni Tita Trinity na sa Mansion tumira. Nahihiya na kasi ako sakanya, eh. Ang dami ng ginawa para sa akin ng pamilya ni Duane kaya minsan nahihiya na rin ako.

I heard a loud crash sa basement at sigaw ng dalawang babae. Those sickly bastards are doing it again. Umakyat ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto. But it's not enough. Rinig ko pa rin ang mga nagmamakaawang boses. Naamoy ko pa rin ang sariwang dugo.

Pumikit ako ng mariin para pigilan ang nakaka-akit na gumuguhit sa ilong ko. Ilang taon na akong may control sa sarili ko. The Queen told me to think of happy thoughts when blood lust lingers through me. But how can I do that when I don't even have happy thoughts?

But I have my friends. They're my constant reminder that I can live my life normally.

I was concentrating when I heard a loud know on my door. Ayaw ko sanang pagbuksan pero palakas nang palakas ang katok nito kaya napilitan akong buksan 'to. Kesa naman sa sirain nila ang pintuan ko.

"What do you want?!" iritado kong sabi.

"Dinner is served," nakangising sabi ng kapatid ng Papa ko.

"I'm not hungry," malamig kong sabi.

"It's fresh," pinakita niya sa akin ang kanyang kamay na may mga dugo at dinilaan niya 'to. Disgusting monster!

"I said I'm not hungry!" I angrily shout at him. I was about to close the door when he stopped it using his foot.

"Matapang ka na?" nanlilisik na sabi nito.

"Leave me with peace!" I warned him.

"Ah gano'n-"

"Leave her alone, Sheldon!" said a stern voice. Napalingon ako sakanya. Bihira niya lang akong ipagtanggol sakanyang kapatid pero nagpapasalamat akong ginawa niya 'yon. Baka mamaya makapatay pa ako. At wala akong pakialam kung kamag-anak ko pa siya.

"Pero Kuya-"

"Ayaw ng anak ko ng dugo at huwag mo siyang pipilitin," sabi ni Papa.

"Bababa na ako," sabi niya lang. Tiningnan muna niya ako ng masama bago umalis. Tiningnan ko naman si Papa at walang emosyon sa mukha niya.

"They are changing you," sabi ni Papa at alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"Tinanggap tayo ng mga elders sa Vampire City kahit alam nilang kakaiba tayo. At gusto ko lang patunayan na hindi tayo kagaya ng iniisip nila," I said to him.

"You don't have to change yourself para lang tanggapin ka nila," sagot naman sa akin ni Papa.

"I know. Pero ito ang gusto ko. Can't you see, Pa? Ang pamilya na lang natin ang namumuhay ng ganito. Ni ayaw niyong magpasakop sa pamumuno ni Tita Trinity. Ang ayaw ko lang ay patunayan na tama sila, sa mga nanghuhusga pa rin sa atin hanggang ngayon. I want them to see that Sanguinarians can be good, too,"

Hindi siya umimik pero nakipagtitigan siya sa akin.

"We are the descendants of Drian, Devyn. Don't you dare forget that!" ang tanging na sabi ni Papa.

Oh how can I forget that when I am Devyn Drian? But Tita Trinity told me that not all Drians are bad. In our history, Drake Drian, was a good Sanguinarian though he is part Damphyr. He sacrificed his self to save the Royal family.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Dec 01, 2020 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Weeping BloodNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ