Simbang gabi 4

6 0 0
                                    

Balik naman ako sa dati kong gawi ang gumising ng maaga. Naligo naman ako agad at nagbihis. Nagulat naman ako ng makita ko si Kuya na nanonood ng tv.

"Uy Kuya good morning" lumingon naman siya sa akin at tinanguan lang ako at humigop nanaman siya sa gatas niya. Wait what gatas?!

"Kuya naman ee! Ang mahal mahal ng fresh milk! Bili ka naman ng sayo!" sabi ko sabay agaw ng baso at ininom ito ng diretso. Brr, ang lamig sa tiyan.

"Hoy damot! Ke-aga aga ay nasigaw ka! natutulog pa si mama manahimik ka, Alis kana nga!" sabi niya

"Talaga!" sabi ko

"Sus! makikipagkita ka nanaman sa boyfriend mo ee! wait may boyfriend ka ba? hahahaha" pang aasar niya. Kainis ang aga aga nambabadtrip. Hindi na ako sumagot at umalis na lang. Ibabalibag ko sana ang pinto kaya lang baka pagalitan pa ako ni Mama ish.

Pag dating ko sa simbahan ay may nakaupo na sa kadalasan kong pwesto at nandito na rin pala ang lalaking matangkad. Nag hanap naman ako ng bakanteng upuan pero wala akong mahanap kaya umakyat ako sa second floor, sakto naman na medyo may mga bakante pang mauupuan. 

Pagkaupo ko ay parang sumakit ang tiyan ko bigla. Siguro kasi ang aga aga ay nainom ako ng gatas tapos malamig pa hays.

"Helena?" huh? napatingin naman ako sa katabi ko.

"Josh?" Josh ba ang pangalan nito? Ewan mabilis akong makalimot ee.

"Joshua" sabi naman niya tsaka tumawa ng mahina. Pareho lang din naman na may Josh ayos na yun.

"May kasama ka?" tanong ko

"Oo mga kaibigan ko" sabi niya

"Siya si Renz" turo niyo sa katabi niyang naka sweater ng pink. Kinamayan naman ako nito.

"Siya naman si Val" sabi niya sabay turo sa katabi ko sa kanan.Nginitian naman ako nito. Napansin ko na naka jersey silang tatlo. Nahalata siguro ni Joshua na tinitignan ko ito kaya tumawa nanaman siya ng mahina. Paano ba naman kasi ang lamig lamig tapos naka jersey shorts lang sila.

"May laro kasi kami" ahh kaya naman pala. Napatango tango na lang ako.

Kitang kita ko naman dito sa taas ang cold expression ng lalaking matangkad na kabaliktaran sa bubbly expression ng lola niya hays. Hindi ko namalayan na napatagal nanaman pala ang pagtitig ko sa kanya kaya iniwas ko na ang tingin ko mamaya isipin ng mga katabi ko na pinagnanasan ko ang lalaking matangkad.

Natapos ang misa na hindi ko na tinignan ang lalaking matangkad, more on naka focus ako kay Father ngayon.

"Gusto mo bang sumama sa amin mag breakfast?" yaya sa akin ni Joshua

"Hindi na uuwi na rin ako, alam mo na si Kuya ang sungit nun" sabi ko, tumawa naman siya

"Sige ikumusta mo na lang ako kay Kuya Hexter" sabi niya at nagpaalam na kami sa isat isa.

Hindi na ako dumaan ng 7/11 umuwi na ako ng diretso at mag tutuos pa kami ng Kuya ko. amp.

My Nine Days with Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن